Posts by Rhine

International Fanworks Day 2024: Ano ang Gagawin ng Inyong Fandom?

Nasasabik kaming ipahayag na sinimulan na namin ang paggawa para sa susunod na International Fanworks Day – isang mahalagang okasyon sapagkat ipagdiriwang namin ang ika-sampung taon nito! Nagagalak kaming idaos ang milestone at ang kaganapang ito kasama kayo, at nais naming marinig ang tungkol sa mga kaganapan sa inyong komunidad. Ang International Fanworks Day, na idinaraos tuwing ika-15 ng Pebrero, ay nilikha ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) noong 2014 bilang pagkilala sa ika-isang milyong hangang-katha na nailathala sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Paraan namin ito upang maalala at makilala ang kahalagahan ng mga hangang-katha – anumang anyo nito… Read more

Pagdiriwang sa Ating Komunidad ng mga Boluntaryo Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Boluntaryo

Sa ika-5 ng Disyembre, ipagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ang hindi matatawarang pagsisikap at kontribusyon ng mga boluntaryo sa mga malalaki at maliliit na layunin. Ang International Volunteer Day (IVD) (Pandaigdigang Araw ng mga Boluntaryo) ay araw para kilalanin at ipagdiwang ang milyun-milyong tao na gumawa ng hakbang sa mga isyu na mahalaga sa kanila sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang oras, kaalaman, at hilig upang makapaghatid ng positibong pagbabago. Nakasalalay ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) sa mga boluntaryo sa bawat aspekto ng operasyon nito: ang lahat ng proyekto at komite nito ay pinapatakbo ng mga boluntaryo. Itinatag ang OTW… Read more

Oktubre 2023 Kampanya sa Pagiging Kaanib: Maligayang Pagdating, Mga Bagong Miyembro!

Tapos na ang aming kampanya sa pagiging kaanib sa Oktubre, at ikinagagalak naming ihayag na nagkaroon kami ng 6,113 na miyembro nitong mga nakaraang araw! Nagkaroon ng kontribusyon mula sa 74 na bansa para sa kabuuang US$192,743.11. Bagamat tapos na sa ngayon ang kampanya sa pagiging kaanib, maaari pa rin kayong maging miyembro anumang oras sa buong taon. At sa pagsali bago ang ika-30 ng Hunyo 2024, sa ganap na 23:59 UTC, magkakaroon kayo ng karapatang bumoto sa aming taunang halalan para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) sa Agosto sa susunod na taon. Habang abala ang aming pangkat… Read more

Oktubre 2023 Kampanya sa Pagiging Kaanib: Ang Kahulugan ng Pagiging Kaanib

Matapos hindi gumana ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), Fanlore, at aming form para sa donasyon nang dahil sa pag-atake sa pamamagitan ng DDoS noong Hulyo, maraming tagahanga ang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay donasyon sa mga sumunod na buwan. Labis naming pinahahalagahan ang inyong kabutihang-loob at pagnanais na rumesponde sa mga pag-atake na nagpapakita ng inyong suporta. Nakatanggap kami ng 35% na pagtaas sa mga donasyon noong Hulyo at Agosto 2023 kumpara noong Hulyo at Agosto 2022. Dahil dito, sa kasagsagan ng aming kampanya sa pagiging kaanib ngayong Oktubre, nais namin kayong hikayatin na maging miyembro ng OTW (Organisasyon para… Read more

International Fanworks Day Feedback Fest 2023

Maligayang pagdating sa International Fanworks Day Feedback Fest ng 2023! Kasalukuyang may higit sa 200,000 na katha sa Archive Of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) at may di mabilang na pagkakataon upang maging malikhain sa ating mga paboritong tauhan at tagpo, ang Crossovers at Fandom Fusions ay isa sa pinakasikat na tropes sa AO3. Ibinahagi namin noong Enero na ang tema ng International Fanworks Day ngayong taon ay When Fandoms Collide, at inanyayahan namin kayong maglista ng mga kathang inyong iminumungkahi mula sa inyong mga paboritong crossover at fandom fusion. Ngayon, nasasabik kaming makita ang inyong mga nagawa! Para makasali, mag-iwan ng komento… Read more