Posts in Announcement

Estadistika ng Halalan 2022 ng OTW

Ngayong tapos na ang Halalan 2022, ikinalulugod naming ibahagi sa inyo ang mga estadistika ukol sa pakikilahok ng mga botante! Nagtala ang Halalan 2022 ng kabuuang 11,643 na mga rehistradong botante. Sa mga botanteng ito, 4,574 ang nagpasa ng balidong balota, na kumakatawan sa 39.3% ng mga potensyal na botante. Ipinagmamalaki naming ipahayag na mas mataas ang pakikilahok ng mga botante ngayon kumpara sa nakaraang taon, na may pakikilahok na 20.5%. May nakitang pagtaas ng bilang ng mga ipinasang balota, mula 2,305 hanggang sa 4,574, na aabot sa 98.4% na paglaki.

2022 Mga Kinalabasan ng OTW Halalan

Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya, ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2022. Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa: Heather McGuire Natalia Gruber Gaya ng nakaraang abiso, malungkot na inaanunsyo ng Lupon ng mga Tagapangasiwa na ang direktor na si E. Anna Szegedi, na siyang inihalal noong 2021, ay bababa na sa kanyang posisyon sa Lupon bago ang halalan ng 2022. Malugod naming tinatanaw ang serbisyong inihandog ni E. Anna Szegedi at nagpapasalamat… Read more

Bukas na ang Halalan para sa 2022 Lupon ng OTW!

Sinimulan na ang halalan! Dapat may balota na ang bawat kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumali mula ika-1 ng Hulyo 2021 hanggang ika-30 ng Hunyo 2022. Kung hindi mo pa ito natanggap, mangyaring tingnan muna ang iyong spam folder, bago makipag-ugnayan sa amin gamit ang form para sa pakikipag-ugnayan. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon pagkatapos ng alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo 2022 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung hindi ka sigurado kung nagawa ang iyong donasyon bago ang takdang oras, mangyaring makipag-ugnayan… Read more

Mga Kasapi ng OTW – Tignan ang Inyong Email para sa Mga Panuto sa Pagboto

Sa kasalukuyan, dapat nakatanggap na ang lahat ng mga botanteng kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ng email na naglalaman ng kawing ukol sa mga panuto para sa halalan ng taong 2022. “Voting Instructions for Organization for Transformative Works (OTW) Board Election” (Panuto sa Pagboto para sa Eleksyon ng Lupon ng Organisasyon para sa Nagbabagong Katha (OTW)) ang paksa ng email. Mangyaring tandaan na hindi kasama sa listahan ng mga botante at hindi makatatanggap ng balota ang mga hindi nakatanggap ng email na ito. Maglalaman ng kawing sa isang panubok na bersyon ng balota ang email ng mga panuto sa pagboto. Mangyaring sundan… Read more

2022 Anunsyo Ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW

Anunsyo Ukol sa mga Kandidato Ikinalulugod ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na i-anunsyo ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ngayong taong 2022 (na pinagsunud-sunod ayon sa unang titik ng kanilang unang pangalan): Heather M Michelle S Natalia G Noémie B Tiffany G Ngayong taon, hindi isasapubliko ang buong ligal na pangalan ng mga kandidato maliban na lamang kung hinirang o inihalal sila sa Lupon. Bababa sa kanyang posisyon sa Lupon si E. Anna Szegedi sa personal na kadahilanan, kung kaya’t mayroong 3 bukas na posisyon sa halalan ngayong taon, at magkakaroon ang isa sa mga ito ng dalawang taong termino. Ihahalal… Read more