Posts in Abuse Committee

Pandaigdigang Araw ng Password 2026

Ngayong ay ang Pandaigdigang Araw ng Password, at nais naming samantalahin ang pagkakataong ito upang paalalahanan ang lahat tungkol sa ilang paraan upang mapanatiling ligtas ang iyong mga account—kabilang na rin ang iyong account sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Noong nakaraang taon, nakita ng AO3 ang pagtaas ng mga user na nawalan ng access sa kanilang mga AO3 account dahil sa paulit na ginamit o hindi ligtas na mga password na natagpuan sa mga data breach mula sa ibang mga site. Bilang tugon, ang Komite ng Patakaran at Paglaban sa Pang-aabuso kasama ang Komite ng Aksesibilidad, Disenyo at Teknolohiya, at… Read more

Pandaigdigang Araw ng Password: Protektahan ang Iyong AO3 Account

Ngayong taon, bilang pagkilala sa Pandaigdigang Araw ng Password, inaanyayahan namin ang lahat ng mga tagahanga na maglaan ng ilang minuto upang siguraduhing ang kanilang mga password – at ang kanilang mga account sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) – ay matibay. Kamakailan lamang, napansin ng Komite ng Patakaran at Paglaban sa Pang-aabuso ang dumaraming bilang ng mga tagagamit na nawalan ng akses sa kanilang mga account sa AO3 dahil gumamit sila ng hindi secure na password. Nais naming bigyan ng katiyakan ang aming mga tagagamit na walang tanda na nakaranas ng data breach ang AO3. Natukoy ng Patakaran at Paglaban… Read more