Posts in Archive of Our Own
AI at Data Scraping sa AO3
Sa paglaganap ng mga tool ng AI nitong mga nakaraang buwan, maraming tagahanga ang nagpahayag ng kanilang alalahanin tungkol sa data scraping at mga hangang-kathang ginawa gamit ang AI, at kung paano ito makakaapekto sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Naiintindihan namin ang inyong alalahanin. Nais naming ibahagi ang aming mga hakbang upang labanan ang data scraping at anu-ano ang aming mga kasalukuyang patakaran tungkol sa AI. Data scraping at mga Hangang-Katha ng AO3 Naglagay kami ng ilang mga teknikal na hakbang upang hadlangan ang malakihang data scraping sa AO3, gaya ng rate limiting, at patuloy naming sinusubaybayan ang aming trapiko… Read more
Ipinagdiriwang ng AO3 ang Pagkakaroon ng 25,000 na Fandom!
Masayang ibinabalita ng mga Tag Wrangler na nakamit na natin ang milyahe ng pagkakaroon ng 25,000 na fandom sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan)! Ito ay matapos lamang natin maabot ang 3 milyong hangang-katha noong Abril at 1 milyong tagagamit noong Oktubre. Dati nang lubusang malikhain ang mga tagagamit ng AO3. Sa mga nakalipas na taon ay marami na tayong nakamit na milyahe sa fandom, gaya ng sumusunod: 5,000 na fandom noong Araw ng Bagong Taon, 2010 10,000 na fandom noong Setyembre, 2012 15,000 na fandom noong Abril, 2014 20,000 na fandom noong Disyembre, 2015 Mayroon ka bang natuklasang mga di-gaanong… Read more
Isang Milyong Rehistradong Tagagamit Ay Naabot ng AO3!
Ikinatutuwang ibalita ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ang isa pang tagumpay para sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan): isang milyong rehistradong tagagamit! Ang AO3 ay itinatag sa pagnanais na magkaroon ng isang lugar na pinamamahalaan ng mga tagahanga kung saan maaring iimbak ang mga hangang-katha ng walang impluwensiyang pangkomersyal o limitasyon sa nilalaman. Inabot ng dalawa’t kalahating taon mula sa pansimulang ideyang iyon patungo sa Open Beta, ngunit noong ika-14 ng Nobyembre 2009, nag-umpisang magbukas ng mga account sa AO3 ang mga miyembro ng publiko. Nagsimulang lumago ang AO3, pati rin ang mga tagumpay na natamo. Nakamit natin ang… Read more