Posts in Accessibility

Limitasyon sa Rate Limit para sa mga Tagagamit ng AO3 na naka-Log In

Sa mga nakaraang buwan, nakaranas ang Archive of Our Own – AO3 (Ang Aming Sariling Sisidlan) ng pagdami ng mga komentong spam mula sa mga rehistradong tagagamit. Upang maiwasan ang mga komentong ito, na kadalasan ay humihingi ng impormasyon para sa pag-kontak, o ‘di kaya’y nag-aalok ng komisyon o kolaborasyon para sa sining, sisimulan namin ang pagtatakda ng rate limit o limitasyon sa tulin ng pagkomento at iba pang mga pagkilos para sa mga tagagamit na naka-log in. Inaasahan namin ang mga limitasyong ito ay maipapatupad sa mga susunod na araw. Bilang resulta ng mga limitasyong ito, maaaring makakuha ka ng babalang mensaheng nagsasabing “Retry… Read more

Panaka-nakang pagbagal ng site at iba pang mga aberya

Mula noong katapusan ng Disyembre 2024, ang Archive of Our Own – nakaranas ang AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ng maraming panahon ng pagbagal, pagtigil ng operasyon, at mga kaugnay na isyu kagaya ng nawawalang email ng kudos at naantalang paanyaya. Tinutugunan namin ang sitwasyon, ngunit pinagtuunan din namin ng pansin ang ilang mahahalagang updates sa aming imprastraktura, kaya’t kahit naisin namin, hindi kami nakapaglaan ng sapat na oras upang mapahusay ang kakayahan ng sistema. Inaasahan naming magpapatuloy ang kaunting pagbagal at panandaliang pagtigil ng operasyon hanggang sa maihatid at ma-install ang aming mga bagong servers sa loob ng ilang buwan. Una naming napansin ang bahagyang… Read more