Kampanya Para sa Pagiging Kaanib Ngayong Oktubre 2026: Salamat sa Inyong Suporta

Salita sa istilong lagom ng katha na nagsasabing 'Kampanya Para Sa Pagiging Kaanib Ng OTW' na may mga tag 'Walang bumabagay na babala ng Sisidlan, Mula ika-16 hanggang ika-18 ng Oktubre, Pangangalap ng Pondo, Merch ng AO3, Regalong Donasyon, Kampanya ng Oktubre (freeform), Ginawa namin 'to imbes na matulog'

Tapos na ang Kampanya Para Sa Pagiging Kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) para sa buwan ng Oktubre, at ikinatutuwa naming ipahayag na tayo ay nakakalap ng US$314,539.76. Ikinatutuwa rin namin na ang 7,623 na mga nagkaloob ng donasyon ay pumili na kumuha o magpanumbalik sa kanilang pagkakaanib, at nalampasan ang aming inaasahang bilang na 5,000 na kaanib.

Ang mga donasyon ay nanggaling sa 9,131 na katao mula sa 86 na bansa. Maraming salamat sa bawat isa sa kanila, pati na rin sa lahat ng nagpaskil at nagbahagi tungkol sa kampanya! Hindi mabubuhay ang OTW kung wala ang mga tagagamit nito mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at ang inyong patuloy na pagsuporta ay aming ipinagmamalaki at ikinagagalak! Natutuwa kaming malaman na ang aming misyon na patuloy na suportahan, protektahan, at magbigay-daan sa kasaysayan ng hangang-katha at kultura ng mga tagahanga ay patuloy na tinatangkilik ng mga taong aming pinangangahalagahan: ang mismong mga tagahanga.

Kung ikaw ay nagbabalak na magbigay ng donasyon o maging kaanib at hindi pa ito nagagawa, huwag mag-alala! Buong taon tumatanggap ng mga donasyon ang OTW, at pwede mong piliin na maging kaanib kung ang iyong donasyon ay US$10 o higit pa. Ang iyong pagiging kaanib ay tatagal ng isang kalendaryong taon mula sa petsa ng iyong donasyon, kung kaya ikaw ay magbibigay-donasyon ngayon, maaari kang bumoto sa 2027 na halalan ng mga Tagapangasiwa ng OTW, na mangyayari sa Agosto ng susunod na taon. Makukuha mo rin ang aming mga eksklusibong regalo bilang pasasalamat kapag ikaw ay nagbigay ng donasyon!

Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.

Event

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *