Posts in Event

Kampanya para sa Pagiging Kaanib sa Abril 2023: Maraming Salamat sa Iyong Suporta

Tapos na ang Kampanya para sa Pagiging Kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ngayong Abril, at natutuwa kaming sabihin na nakalikom kami ng kabuuang US$252,343.98, mas higit pa sa aming inaasahan na US$50,000.00. Ang donasyong ito’y mula sa 7,852 katao mula sa 71 na bansa: maraming salamat sa bawat isa sa inyo, pati na rin sa mga nagpaskil at nagbahagi ng balita tungkol sa kampanya! Lalo kaming natutuwa na 6,450 sa mga nagkaloob ng donasyon ang piniling maging o mag-renew ng kanilang pagiging miyembro ng OTW gamit ang kanilang donasyon. Hindi mabubuo ang OTW kung wala ang mga miyembro at tagagamit nito sa… Read more

Abril 2023 Kampanya para sa Pagiging Kaanib: Sama-sama Tayong mga Tagahanga!

Heto na—panahon na naman ng Kampanya para sa pagiging kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na ginaganap ng dalawang beses kada taon! Magmula nang itinatag ito noong 2007, umaasa ang OTW sa suporta ng mga tagahangang tulad mo. Ang suportang ito ay mula sa oras na ginugugol ng mga boluntaryo at ang pagiging mapagbigay ng aming mga kaanib at mga nagkaloob ng donasyon. Bisitahin ang aming nakapaskil na badyet upang alamin ang ambag ng iyong mga donasyon sa aming mga gawain ngayong taon at, kung kakayanin, i-click ito upang makapagbigay ng donasyon. Nasasabik kaming magkaroon ng mga bagong regalo bilang pasasalamat sa mga… Read more

International Fanworks Day Feedback Fest 2023

Maligayang pagdating sa International Fanworks Day Feedback Fest ng 2023! Kasalukuyang may higit sa 200,000 na katha sa Archive Of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) at may di mabilang na pagkakataon upang maging malikhain sa ating mga paboritong tauhan at tagpo, ang Crossovers at Fandom Fusions ay isa sa pinakasikat na tropes sa AO3. Ibinahagi namin noong Enero na ang tema ng International Fanworks Day ngayong taon ay When Fandoms Collide, at inanyayahan namin kayong maglista ng mga kathang inyong iminumungkahi mula sa inyong mga paboritong crossover at fandom fusion. Ngayon, nasasabik kaming makita ang inyong mga nagawa! Para makasali, mag-iwan ng komento… Read more

Ang Gagawin Natin para sa International Fanworks Day 2023

Paparating na ang ika-siyam na taon ng International Fanworks Day, at may mga aktibidad ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na magaganap sa lalong madaling panahon para sa pagkilala nito! Basahin ang mga nakalista para malaman ang aming mga gagawin bilang pagdiriwang at kung papaano ka makakasali. 1. Hamon sa Paglikha ng Fanworks Noong nakaraang buwan, inanyayahan ka namin na sumali sa hamon na may temang When Fandoms Collide para gumawa ng mga fanworks na crossovers at pagsasanib ng mga fandom. Maaari kang gumawa ng katha, sining, vids, headcanons, at iba pa! Lagyan ang iyong mga likha ng tag na #IFD2023 o #IFDChallenge2023 sa… Read more

Paparating na ang International Fanworks Day 2023

Markahan ang petsa: Malapit na ang International Fanworks Day! Ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Pebrero, nilikha ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ang International Fanworks Day noong 2014 bilang parangal sa ika-isang milyong hangang-katha na nailathala sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Isa itong pagkilala sa mga hangang-katha sa lahat ng anyo—akda, larawan, bidyo, zines, at iba pa—at ang kanilang kahusayan at kahalagahan para sa lahat ng taga-hanga sa buong mundo. Ngayong taon, ipagdiriwang ng OTW ang ika-siyam na taon ng International Fanworks Day. Ang tema natin ngayong taon ay “Kapag Nagbanggaan ang mga Fandom”. Naisip mo ba kung anong mangyayari… Read more