Posts by Rhine

Panaka-nakang pagbagal ng site at iba pang mga aberya

Mula noong katapusan ng Disyembre 2024, ang Archive of Our Own – nakaranas ang AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ng maraming panahon ng pagbagal, pagtigil ng operasyon, at mga kaugnay na isyu kagaya ng nawawalang email ng kudos at naantalang paanyaya. Tinutugunan namin ang sitwasyon, ngunit pinagtuunan din namin ng pansin ang ilang mahahalagang updates sa aming imprastraktura, kaya’t kahit naisin namin, hindi kami nakapaglaan ng sapat na oras upang mapahusay ang kakayahan ng sistema. Inaasahan naming magpapatuloy ang kaunting pagbagal at panandaliang pagtigil ng operasyon hanggang sa maihatid at ma-install ang aming mga bagong servers sa loob ng ilang buwan. Una naming napansin ang bahagyang… Read more

Halina sa Feedback Fest 2025

Halina sa International Fanworks Day – IFD (Pandaigdigang Araw ng mga Hangang-Katha) Feedback Fest ng 2025! Ang ating tema para sa IFD 2025 ay Fan Communities are Ecosystems, kung saan natin ipagdiwang ang pagkakaiba-iba sa fandom at sa mga hangang-katha, at ang bukod-tanging ekosistema na nagagawa nito. Ninanais mo bang sumama sa Feedback Fest ng taong ito? Ito ang dapat mong gawin! Mag-iwan ng komento sa post na ito na nagrerekomenda ng 10 hangang-katha. Sabihin mo kung bakit mo mahal ang mga kathang ito at bakit dapat silang pagtuunan ng pansin. Maaari ka ring magbahagi ng link sa rekomendasyong ginawa mo sa ibang lugar, o… Read more

Paparating na ang Pandaigdigang Araw ng mga Hangang-Katha ngayong 2025!

Humanda sa paparating na Pandaigdigang Araw ng Hangang-Katha! Sa ika-15 ng Pebrero, muli na naman tayong magsasama-samamula sa iba’t ibang dako ng fandom para sa ika-11 na taunang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Hangang-Katha. Una itong ginanap noong 2014 upang ipagdiwang ang ika-isang milyong hangang-katha sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), upang kilalanin at ipagbunyi ang lahat ng anyo ng hangang-katha – isinulat na katha, sining, podfic, zine, at iba pa – bilang mahahalagang bahagi ng fandom. Ang tema ng Pandaigdigang Araw ng mga Hangang-Katha ngayong taon ay Fan Communities are Ecosystems (“Ang Komunidad ng mga Tagahanga ay Mga Ekosistema”)… Read more

Panahon ng Pagbubukas ng Komento para sa Mga Pagbabago ng Palatuntunan ng Serbisyo ng AO3

Upang gawing mas malinaw ang mga alituntunin ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) para sa aming mga tagagamit, nilalayon naming gumawa ng pagbabago sa Palatuntunan ng Serbisyo ng AO3 (mababasa lamang sa Ingles) sa kalagitnaan ng Nobyembre 2024. Kapag nangyari na ito, ang lahat ng tagagamit ay kailangang sumang-ayon sa bagong Palatuntunan ng Serbisyo upang magpatuloy sa paggamit ng AO3. Ang buong teksto ay ipinaskil na para sa pampublikong pagsusuri, kasama na ang detalyadong pagpapaliwanag sa kung ano ang (at ano ang hindi) nagbago: 2024 Gabay sa Pagbabago ng Palatuntunan ng Serbisyo ng AO3 (sa Ingles) Palatuntunan ng Serbisyo ng AO3:… Read more

Pagdiriwang ng Ika-17 Anibersaryo ng OTW

Sindihan ang kwitis, ipinagdiriwang ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ang kanilang ika-17 anibersaryo! Mula noong 2007 ay marami na tayong narating, at maligaya kaming nakapagdiwang ng panibagong anibersaryo kasama kayo. Isa na namang taon ang lumipas na puno ng tagumpay at mahalagang pangyayari, kabilang ang ngunit hindi limitado sa: Nakaabot na ng 7 milyong tagagamit at 13 milyong hangang-katha sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), na may nadagdag na higit sa 300,000 kathang nakasulat sa ibang wika mula noong Setyembre sa nakalipas na taon; Nakapag-angkat ang Open Doors ng 9 na sisidlang pang-hangang-katha; Umabot na sa 70,000 artikulo ang… Read more