Ang Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura) ay isang pahayagang pang-akademiko at sinusuri ng kanyang mga kapwa pahayagan, na naglalayong itaguyod ang iskolarship ng mga hangang-katha at kasanayan. Ang pahayagan ay inilunsad noong ika-15 ng Setyembre 2008. Ang pahayagan ay naglalathala ng dalawang isyu sa isang taon, isa sa ika-15 ng Setyembre and isa sa ika-15 ng Marso.
Ang TWC ay isang Gold Open Access na pahayagan ng organisasyong di-pangkalakal na OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na lisensyado sa ilalim ng Creative Commons Attribution 4.0 International License. Ang TWC ay naisumite para sa pag-iindex sa lahat ng mga pangunahing pang-akademikong mga database, mga aklat-talaan na bukas sa lahat, at mga serbisyo tulad ng Google Scholar.
Ang tindig ng TWC ukol sa pagsisipi ng mga hangang-katha ay maaaring makita rito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa TWC, tignan ang TWC FAQ, at bisitahin ang aming website at mga archive para sa pag-access ng mga kawing ng bago at lumang mga isyu.