Posts in OTW Sections

Pagdiriwang sa Ating Komunidad ng mga Boluntaryo Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Boluntaryo

Sa ika-5 ng Disyembre, ipagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ang hindi matatawarang pagsisikap at kontribusyon ng mga boluntaryo sa mga malalaki at maliliit na layunin. Ang International Volunteer Day (IVD) (Pandaigdigang Araw ng mga Boluntaryo) ay araw para kilalanin at ipagdiwang ang milyun-milyong tao na gumawa ng hakbang sa mga isyu na mahalaga sa kanila sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang oras, kaalaman, at hilig upang makapaghatid ng positibong pagbabago. Nakasalalay ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) sa mga boluntaryo sa bawat aspekto ng operasyon nito: ang lahat ng proyekto at komite nito ay pinapatakbo ng mga boluntaryo. Itinatag ang OTW… Read more

25 Bagay na Dapat Malaman Tungkol sa OTW

Marami sa inyo ay marahil baguhan sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) habang ang ilan sa inyo ay sinusubaybayan ang aming progreso mula pa ng inilunsad namin ito noong 2007. Gayunpaman, umaasa kaming mayroon kayong mga bagong natutuklasan tungkol sa amin ngayong buwan na ito. Dahil malayo-layo pa ang susunod naming malaking anibersaryo, narito ang 25 bagay tungkol sa aming organisasyon na maaari mong malaman ngayon na!