Posts in Elections
Estadistika ng Halalan 2024 ng OTW
Ngayong tapos na ang Halalan 2024, ikinalulugod naming ibahagi sa inyo ang mga estadistika ukol sa pakikilahok ng mga botante! Nagtala ang Halalan 2024 ng kabuuang 14,959 na mga rehistradong botante. Sa mga botanteng ito, 3,415 ang nagpasa ng balidong balota, na kumakatawan sa 22.8% ng mga potensyal na botante. Mas mababa ang pakikilahok ng mga botante ngayon kumpara sa nakaraang taon, na may pakikilahok na 27.8%. May nakitang pagbaba ng bilang ng mga ipinasang balota, mula 4,247 hanggang sa 3,415, na aabot sa -19.6% na pagbaba.
Mga Kinalabasan ng 2024 OTW Halalan
Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya, ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2024. Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa: Erica Frank Rachel Linton Pormal na magsisimula ang paglilipat ng tungkulin sa mga bagong miyembro ng Lupon sa ika-1 ng Oktubre. Hangad namin ang kanilang matagumpay na panunungkulan. Dito nagtatapos ang panahon ng halalan. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa pamamagitan ng pagpapakalat ng balita, pagtatanong sa mga kandidato at, siyempre, sa pagboto!… Read more
Bukas na ang Halalan para sa 2024 Lupon ng OTW!
Sinimulan na ang halalan! Dapat may balota na ang bawat kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumali mula ika-1 ng Hulyo 2023 hanggang ika-30 ng Hunyo 2024. Kung hindi mo pa ito natanggap, mangyaring tingnan muna ang iyong spam folder bago makipag-ugnayan sa amin gamit ang form para sa pakikipag-ugnayan. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon pagkatapos ng alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo 2024 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung hindi ka sigurado kung nagawa ang iyong donasyon bago ang takdang oras, mangyaring makipag-ugnayan… Read more
Mga Kasapi ng OTW – Tignan ang Inyong Email para sa Mga Panuto sa Pagboto
Sa kasalukuyan, dapat nakatanggap na ang lahat ng mga botanteng kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ng email na naglalaman ng kawing patungo sa panuto para sa halalan sa taong 2024. “Voting Instructions for Organization for Transformative Works (OTW) Board Election” (Panuto sa Pagboto para sa Eleksyon ng Lupon ng Organisasyon para sa Ibahing Katha (OTW)) ang paksa ng email. Mangyaring tandaan na ang mga hindi nakatanggap ng email na ito ay hindi kasama sa listahan ng mga botante at hindi rin makakatanggap ng balota. Ang email ng panuto sa pagboto ay maglalaman ng link patungo sa panubok na bersyon ng balota. Mangyaring… Read more
2022 Mga Kinalabasan ng OTW Halalan
Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya, ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2022. Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa: Heather McGuire Natalia Gruber Gaya ng nakaraang abiso, malungkot na inaanunsyo ng Lupon ng mga Tagapangasiwa na ang direktor na si E. Anna Szegedi, na siyang inihalal noong 2021, ay bababa na sa kanyang posisyon sa Lupon bago ang halalan ng 2022. Malugod naming tinatanaw ang serbisyong inihandog ni E. Anna Szegedi at nagpapasalamat… Read more