Posts in Elections Committee
Mga Kasapi ng OTW – Tignan ang Inyong Email para sa Mga Panuto sa Pagboto
Sa kasalukuyan, dapat nakatanggap na ang lahat ng mga botanteng kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ng email na naglalaman ng kawing ukol sa mga panuto para sa halalan ng taong 2022. “Voting Instructions for Organization for Transformative Works (OTW) Board Election” (Panuto sa Pagboto para sa Eleksyon ng Lupon ng Organisasyon para sa Nagbabagong Katha (OTW)) ang paksa ng email. Mangyaring tandaan na hindi kasama sa listahan ng mga botante at hindi makatatanggap ng balota ang mga hindi nakatanggap ng email na ito. Maglalaman ng kawing sa isang panubok na bersyon ng balota ang email ng mga panuto sa pagboto. Mangyaring sundan… Read more
2022 Anunsyo Ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW
Anunsyo Ukol sa mga Kandidato Ikinalulugod ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na i-anunsyo ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ngayong taong 2022 (na pinagsunud-sunod ayon sa unang titik ng kanilang unang pangalan): Heather M Michelle S Natalia G Noémie B Tiffany G Ngayong taon, hindi isasapubliko ang buong ligal na pangalan ng mga kandidato maliban na lamang kung hinirang o inihalal sila sa Lupon. Bababa sa kanyang posisyon sa Lupon si E. Anna Szegedi sa personal na kadahilanan, kung kaya’t mayroong 3 bukas na posisyon sa halalan ngayong taon, at magkakaroon ang isa sa mga ito ng dalawang taong termino. Ihahalal… Read more
2021 Anunsyo Ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW
Anunsyo Ukol sa mga Kandidato Ikinalulugod ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na i-anunsyo ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ngayong taong 2021 (na pinagsunud-sunod ayon sa unang titik ng kanilang unang pangalan): Antonius Melisse E. Anna Szegedi Kari Dayton Laure Dauban Dahil mayroong 2 posisyong kailangang punan at 4 na kandidato, magkakaroon ng tunggalian — sa madaling salita, boboto ang mga miyembro ng OTW upang piliin kung sino sa mga kandidato ang ihahalal ngayong taong 2021.