Naglalathala ang komite ng Komunikasyon ng buwanang paksil na itinataguyod ang mga kaganapang nakalista sa Kalendaryo ng Kaganapan ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha).
Hinihimok namin na magsumite sa kalendaryo sa kahit anumang wika, sa kondisyon na ito ay:
1) Mga kaganapang kaugnay sa mga tagahanga na bukas sa publiko, maging online o sa personal.
2) Mga pang-akademyang kaganapan tulad ng mga panayam, pahayagan, at pagtawag para sa mga sanaysay, na kabahagi ng fan studies.
3) Mga pangyayaring may kaugnayan sa teknolohiyang open-source.
Ang mga buwanang paksil ay ang buod ng mga kaganapan sa buwan na iyon, pati rin ang mga pakiusap sa paglahok sa pananaliksik na may sumusunod na pamantayan:
Mayroon ba itong pagsang-ayon mula sa Lupon ng Pagsusuring Institusyonal (Institutional Review Board)/Komite ng Etika (Ethics Committee)?
Naiintindihan namin na mayroong mga independiyenteng tagasaliksik na hindi maaaring makakuha ng pangkalingatang pagsang-ayon dahil sila ay hindi kaakibat. Sa mga ganitong kaso maaaring magbigay ng kapalit sa anyo ng isang maikling byograpya na naglalaman ng nakalipas na mga gawa at kredensyal, at kawing sa isang nakalipas na gawa na lantarang makikita online.
Mayroon bang form ng pahintulot para sa mga kalahok na maaari naming ikawing sa kanila?
Hindi namin isasama ang mga pananaliksik na hindi tinutukoy ang limitasyon ng edad ng mga kalahok, at na hindi tinutukoy kung ano ang gagawin sa data, kung ano ang mga pamamaraan (kung hindi ito isang online survey), kung sino ang makakakita sa data, at kung paano pananatilihin ang kalihiman ng kalahok.
Mayroon bang impormasyon upang maaaring makipag-ugnayan sa mananaliksik (at sa komite o superbisor kung maaari)?
Kailangang isama sa impormasyong ito ang kanilang kaanib na institusyon, kung mayroon man sila nito, pati na rin ang email at pisikal na tirahan kung saan sila maaaring matagpuan.
Ibabahagi ba ang impormasyong ito sa komunidad sa katapusan nito?
Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa komite ng Komunikasyon upang kumawing sa mga resulta.
Pinakikiusapang makipag-ugnayan sa komite ng Komunikasyon upang isumite ang kahit anumang mga nabanggit.