Paparating na ang International Fanworks Day 2018

Gaganapin ang International Fanworks Day sa ika-15 ng Pebrero, 2018. Pinagpaplanuhan na ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) kung paano ipagdiriwang ito, pero gusto pa rin naming malaman kung ano ang gagawin mo!

Ano ang International Fanworks Day?

Ito ay isang araw kung kailan ipinagdiriwang ang pagkamalikhain ng mga tagahanga sa lahat ng anyo, mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Maging ito man ay teksto, imahe, audio, o multimedia, saanmang bansa ito nagmula at anumang wika ito nakasulat, ginagamit natin ang mga hangang-katha upang ipakita ang ating pagmamahal sa ating mga fandom at upang ipakilala ang ating mga komunidad at tradisyon. Sa International Fanworks Day, gusto nating ipakita ng mga tagahanga mula sa iba’t ibang panig ng mundo kung gaano kahalaga ang mga hangang-katha para sa kanila.

Sabihin sa amin kung Gaano Kahalaga ang mga Hangang-Katha para sa Iyo

Sa susunod na buwan, ipapaskil namin ang mga gawaing pangangasiwaan ng OTW. Ngunit bago iyon, nais naming marinig ang inyong mga plano para sa pagdiriwang na ito. Nais din naming sabihin mo sa amin kung gaano kahalaga ang mga hangang-katha para sa iyo. Gawin ang isa sa mga sumusunod bago ang ika-31 ng Enero:

  • Ilagay ang hashtag na #WhatFanworksMeantoMe sa Twitter, Facebook, or Tumblr tuwing nagpapaskil ng inyong mga opinyon. Kung nais, maaari ring maglagay ng hashtag para sa iyong bansa!
  • Magpadala ng mas mahabang sanaysay (hanggang sa 350 na salita) sa Communications team gamit ang aming contact form

Pipili kami ng hanggang anim na kalahok para ilathala sa Balitang OTW sa ika-5 ng Pebrero bilang bahagi ng aming paghahanda para sa International Fanworks Day. Kapag nagsusumite, pakilagay ang mga sumusunod:

  1. Kung paano mo nais itala ang iyong pangalan/sagisag-panulat
  2. Aling bansa ang itinuturing mong tahanan

Malugod kaming tatanggap ng mga sanaysay sa lahat ng wika, kaya naman simulan mo nang ibahagi ang iyong pagmamahal sa hangang-katha!
Ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ay isang di pang-kalakal na organisasyon na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Batasang Pagtataguyod. Ang buong organisasyon ay pinapatakbo ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa OTW, maaaring tumungo sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.

Announcement, Event

Comments are closed.