Paminsan minsan, ang OTW (Organisasyon ng Ibahing Katha), ay magkakaroon ng panauhing paskil sa Balitang OTW. Sila ay magbibigay ng panlabas na pananaw tungkol sa OTW o mga aspeto ng fandom kung saan ang aming mga proyekto ay maaaring may kinalaman. Ipinapahayag ng mga paskil ang personal na pananaw ng bawat maykatha at maaaring hindi naglalarawan ng pananaw o ng patakaran ng OTW. Malugod kaming tumatanggap ng mga suhestiyon mula sa mga tagahanga para sa mga susunod na panauhing paskil. Maaaring mag-iwan ng komento dito o makipag-ugnayan sa amin.
Si Versaphile ay “tiyak na isang datihan, bilang nasa online na fandom na ako mula 1995: sa mga nakalipas na taon ay nakasama ako sa mga fandom ng X-Files, Due South, Stargate SG-1, Lord of the Rings, Buffy the Vampire Slayer/Angel, Hornblower, Life on Mars, Doctor Who at BBC Merlin. Dati ay gumagawa ako ng maraming proyekto na imprastrakturang fannish, tulad ng mga archive at mga rec, pati na rin mga vid at manip, pero ngayon masaya na akong magsulat ng mga napakahahaba at angsty na epiko tungkol sa Merlin .” Ngayon, ikukuwento ni Versaphile ang karanasan niyang makipagtulungan sa Open Doors ng OTW, bilang may-ari ng mga archive na inililipat nila sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).
Paano ka unang napasok sa fandom at sa mga hangang-katha?
Namana ko ang pagka-fannish sa Star Trek ng mga magulang ko, pero ang una kong tunay na fandom ay ang X-Files. Una akong nag-online noong 1994/1995, at nadiskubre ang Usenet at alt.tv.x-files at, lalo na, ang a.t.x.creative. Nahilig ako sa fanfic at hindi na ako lumingon pa mula noon. Read More