Paano Ka Makakatulong?

Maraming salamat sa iyong interes sa OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha)! Maraming paraan upang magbigay-tulong sa OTW:

Magboluntaryo!
Nais mo bang tumulong sa isa sa aming proyekto? Anumang karanasan ang mayroon ka, o kung saan mang bansa ka nanggaling, malugod ka naming tatanggapin bilang isang boluntaryo. Tingnan ang aming FAQ ukol sa Pagboboluntaryo para sa mga sagot sa mga kadalasang katanungan!

Magbigay ng donasyon!
Ang OTW ay isang organisasyong sinsuportahan ng mga miyembro nito at nauuri bilang isang US 501(c)(3) na organisasyong di-pangkalakal, at lahat ng aming serbisyo ay walang bayad. Hindi namin makakayang ipagpatuloy ito kung wala ang iyong tulong! Kahit anong donasyon na 10$ o mahigit ay magkakaloob sa iyo ng pagkamiyembro, at kahit kaunti lamang ay magiging malaking tulong. Maaari ka ring magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng koreo!

Mangalap ng pondo!
Ikaw ba ay pupunta sa isang pulungan ng mga kapwa tagahanga? O di naman kaya’y nais mong gumawa ng pagtitipon para sa isang magandang dahilan? Basahin ang aming alituntunin ukol sa pagsusuporta sa OTW sa pamamagitan ng pagkalap ng pondo habang kayo’y nagkakasiyahan!

Ipagkalat ang balita!
Magdownload ng mga polyeto at iba pang mga larawan upang ipaalam sa ibang tao ang tungkol sa OTW.