Open Doors

Ang Open Doors ay isang proyektong nakatuon sa pagpreserba ng mga gawa ng mga tagahanga na nanganganib na maglaho. Sumasaklaw ito sa mga maliliit na proyekto at inisyatibong nakatutok sa pagpapanatili at pagpapangalaga ng iba’t ibang uri ng mga likha at artepakto ng mga tagahanga.

Kabilang sa aming mga proyekto ay ang sumusunod:

  • Mga Natatanging Koleksyon: Kabilang sa galeriyang ito ang mga nasagip na artsibo at hamong ipinaskil sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), pati na rin ang mga digital na proyekto na hindi kayang isama sa AO3 o sa Fanlore. Kabilang dito ang mga .pdf, mga hangang-kathang pang-multimedia, mga makasaysayang website ng mga tagahanga, at iba pang mga digital na artepakto.
  • Fan Culture Preservation Project (Proyekto para sa Pangangalaga ng Kultura ng mga Tagahanga): Isa itong kolaborasyon sa pagitan ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) at ng Kagawaran ng Mga Natatanging Koleksyon ng Unibersidad ng Iowa, na nakatuon sa pagpapangalaga at pagpapanatili ng mga fanzine at iba pang hindi digital na anyo ng fannish na kultura.
  • GeoCities Rescue Project: Isang proyektong nakatuon sa pagpapangalaga ng mga site ng tagahanga na muntik nang maglaho noong isinara ng Yahoo ang Geocities noong Oktubre 2009.
  • Yahoo Groups Rescue Project (Proyekto para sa Pagsasagip ng mga Grupo sa Yahoo) (sa Ingles): Isang proyektong nakatuon sa pangangalaga ng fanfiction, fanart, at meta mula sa mga Grupo sa Yahoo na muntik nang maglaho noong isinara ito ng Verizon noong Enero 2020.
  • Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng Open Doors.