Oktubre 2023 Kampanya sa Pagiging Kaanib: Maligayang Pagdating, Mga Bagong Miyembro!

Tapos na ang aming kampanya sa pagiging kaanib sa Oktubre, at ikinagagalak naming ihayag na nagkaroon kami ng 6,113 na miyembro nitong mga nakaraang araw! Nagkaroon ng kontribusyon mula sa 74 na bansa para sa kabuuang US$192,743.11. Bagamat tapos na sa ngayon ang kampanya sa pagiging kaanib, maaari pa rin kayong maging miyembro anumang oras sa buong taon. At sa pagsali bago ang ika-30 ng Hunyo 2024, sa ganap na 23:59 UTC, magkakaroon kayo ng karapatang bumoto sa aming taunang halalan para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) sa Agosto sa susunod na taon. Habang abala ang aming pangkat… Read more

Oktubre 2023 Kampanya sa Pagiging Kaanib: Ang Kahulugan ng Pagiging Kaanib

Matapos hindi gumana ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), Fanlore, at aming form para sa donasyon nang dahil sa pag-atake sa pamamagitan ng DDoS noong Hulyo, maraming tagahanga ang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay donasyon sa mga sumunod na buwan. Labis naming pinahahalagahan ang inyong kabutihang-loob at pagnanais na rumesponde sa mga pag-atake na nagpapakita ng inyong suporta. Nakatanggap kami ng 35% na pagtaas sa mga donasyon noong Hulyo at Agosto 2023 kumpara noong Hulyo at Agosto 2022. Dahil dito, sa kasagsagan ng aming kampanya sa pagiging kaanib ngayong Oktubre, nais namin kayong hikayatin na maging miyembro ng OTW (Organisasyon para… Read more

Inihahayag ng Open Doors ang Panibagong Pag-aangkat ng mga Fanzine na Katha

Noong nakaraang taon, nag-anunsyo ng ilang mga pagbabago ang komite ng Open Doors sa Fan Culture Preservation Project (Proyekto para sa Pangangalaga ng Kultura ng mga Tagahanga) nito, kabilang ang paglikha ng AO3 Fanzine Scan Hosting Project – FSHP (Proyekto sa Pagho-host ng Pag-iiskan ng Fanzine ng AO3). Isang pakikipagtulungan ang FSHP kasama ang Zinedom, isang proyekto sa pangangalaga na pinapatakbo ng mga tagahanga kung saan orihinal na inilathala sa mga naimprentang fanzine ang mga hangang-katha at fanart na inaangkat sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Maaaring i-angkat ang mga hangang-katha sa AO3 kapag may pahintulot ng mga manlilikha nito o… Read more

Pagdagdag ng Katha sa mga Koleksyon ng Open Doors

Isa sa mga pangunahing gawain ng proyektong Open Doors, na siyang bahagi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha), ay mag-angkat ng mga nanganganib na artsibo ng mga hangang-katha patungo sa mga koleksyon ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Bilang bahagi ng gawaing iyon, sinusuyod ng Open Doors ang mga kathang nakapaskil na sa AO3 upang maiwasang madoble ang inangkat na katha. Hanggang ngayon, inaanyayahan ng account ng nag-angkat ang nahanap na katha upang maidagdag sa koleksyon ng artsibo at lalagyan na lamang ng palatandaan kung hindi tinanggap ang paanyaya. Kasunod ng mga pagbabago sa proseso ng pag-iimbita sa mga katha… Read more

Pagbibitiw ng mga Direktor ng OTW

Ikinalulungkot naming i-anunsyo na nagbitiw na mula sa Lupon ng mga Tagapangasiwa sina Antonius Melisse at Natalia Gruber. Nakatakda nang matapos ang termino ni Antonius pagkatapos ng ilang buwan; planong punan ang kanyang pwesto sa katapusan ng kasalukyang panahon ng halalan. Subalit, mayroon pang dalawang taong nalalabi si Natalia sa kanyang termino. Idaragdag ang kanyang pwesto sa bilang ng mga pwestong dapat punan sa nalalapit na halalan. Dahil magkapareho ang bilang ng mga bakanteng pwesto sa bilang ng mga kandidato, magkakaroon ng isang hindi pinagtutunggaliang halalan ang Lupon ng OTW ngayong taon. Gayunpaman, magaganap pa rin ang halalan, mula sa ika-11 hanggang ika-14 ng Agosto,… Read more