Mga Komite

Inoorganisa ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) sa mga komite, na binubuo ng mga boluntaryo. May tiyak na pokus ang bawat komite, gayunpaman nagtutulungan ang karamihan sa kanila sa pagsuporta sa iba’t ibang proyekto ng OTW at nag-aambag para sa tagumpay ng organisasyon. Kung interesado kang maglaan ng oras para suportahan ang OTW, maaari mong tingnan ang tala ng mga boluntaryo upang makita kung mayroong bukas na posisyon na tugma sa iyong mga kakayahan at interes. Narito ang iba’t ibang mga komite ng OTW:

Aksesibilidad, Disenyo, at Teknolohiya
Mga Tagapangulo: mumble at sarken
Nag-aasikaso sa disenyo at pagbuo ng software para sa OTW. Pangunahing proyekto ng Komite ang pagbuo ng isang open-source software package, ang OTW-Archive, upang buuin at suportahan ang AO3.

Dokumentasyon para sa AO3
Mga Tagapangulo: Claire P. Baker, Michelle Schroeder, at Sammie Louise
Binuo ang Dokumentasyon para sa AO3 upang gawin at panatilihing kumpleto at napapanahon ang laman at panloob na dokumentasyon ng AO3. Kabilang dito ang mga FAQ, mga tsutoryal, mga screencast, at iba pang dokumentasyon na may kinalaman sa AO3.

Komunikasyon
Tagapangulo: Claudia Rebaza
Hinahawakan nila ang mga pahayag, pahayagan, mga blog post, pakikipag-ugnayan sa medya, at iba pang gawain na may kinalaman sa pagtataguyod ng aming iba’t ibang proyekto. Sila rin ang nag-aasikaso ng komunikasyon sa loob mismo ng OTW, kung saan ibinabalita nila ang mga impormasyon sa pagitan ng iba’t ibang komite.

Pagpapaunlad at Kaaniban
Mga Tagapangulo: Amy2, Amy Lowell at Nrandom
Humahawak sa paglikom ng pera at pagdagdag ng mga miyembro para sa OTW. Sila rin ang nagpapanatili ng seguridad sa aming database ng impormasyon ukol sa mga miyembro at mga nagkaloob ng donasyon, at naninigurado na maaaring bumoto ang bawat miyembro sa halalan ng OTW.

Halalan
Mga Tagapangulo: disjointed, Emma Lloyd, Jenny McDevitt, at Marion McGowan

Ang Komite ng Halalan ang nagpapatakbo ng taunang halalan para sa mga miyembro ng Lupon ng Tagapangasiwa ng OTW. Ginaganap ang halalan na ito taun-taon tuwing Agosto, at pinagbobotohan ito ng mga nagbayad na miyembro ng OTW. Ang Halalan ang responsable sa lahat ng aspeto ng proseso ng halalan, mula sa simula hanggang sa katapusan nito. Kabilang dito ang paghahanda ng mga kandidato, pangangasiwa sa mga teknikal na aspeto ng pagpapatakbo ng halalan, paninigurado na naaayon ang buong proseso sa aming mga tuntunin, at pagpapatakbo ng panahon ng kandidatura (kung saan ipinakikilala ang mga kandidato sa mga miyembro at pinasasagot sila ng mga katanungan).

Fanlore
Tagapangulo: Joanna Pernick at Noah A
Pinapanatili ang wiki ng Fanlore. Kabilang dito ang pagtulong sa mga tagapatnugot ng wiki ng Fanlore, pati na rin ang pagtataguyod ng isang imprastrakturang nababagay sa pangangailangan ng wiki upang tukuyin at ayusin ang mga nilalaman nito.

Pananalapi
Tagapangulo: Yuechiang Luo
Ang Pananalapi ang responsable sa pagpapanatili ng wastong talaan ng mga pinansyal na transaksyon ng OTW, gumagawa at sumusubaybay sa mga bayarin, tumutulong sa Lupon upang gawin at ayusin ang badyet, naghahanda at naglalabas ng wasto at makabuluhang pinansyal na pahayag, at naninigurado na natutugunan ng OTW ang lahat ng mga kinakailangan sa pagbabayad ng buwis..

Ligal
Tagapangulo: Betsy Rosenblatt
Nagsasagawa ng mga aktibidad ng Legal Advocacy (Ligal na Pagtataguyod) ng OTW, nagpapayo sa Lupon at sa iba’t ibang komite ukol sa mga usaping ligal, at nakikipag-ugnayan sa ibang mga pangkat ng pagtataguyod at mga panlabas na ligal na tagapayo. Mga ligal na propesyonal ang karamihan sa mga miyembro nito.

Open Doors
Mga Tagapangulo: Alison Watson at Eskici
Sinisikap ng Open Doors na panatilihin ang iba’t ibang uri ng hangang-katha na posibleng maglaho.

Patakaran at Paglaban sa Pang-aabuso
Mga Tagapangulo: Aenya
Humahawak sa mga tungkuling may kinalaman sa pang-aabuso para sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), gaya ng mga reklamo at mga paglabag sa Palatuntunan ng Aming Serbisyo.

Estratehikong Pagpaplano
Mga Tagapangulo: Arly Guevara at Kate Sanders
Sumusuri at nagbabago ng estratehikong plano para sa OTW tuwing isa hanggang tatlong taon.

Tulong
Mga Tagapangulo: Nary
Inaasikaso ang komunikasyon sa pagitan ng mga tagagamit at ng iba’t ibang grupo na may kinalaman sa AO3. Ang pangkat na ito ang tumutulong sa paglutas ng mga isyung teknikal na nararanasan ng mga tagagamit at pagpapasa sa mga katugunan nila.

Sistema
Tagapangulo: Frost the Fox
Pinamamahalaan ang mga server at imprastraktura para sa OTW at sa mga proyekto nito.

Tag Wrangling
Tagapangulo: brhi, Dre, at Qem
Inuuri at inaayos ang mga tag sa AO3 ayon sa mga tuntunin ng Tag Wrangling, kinokonekta ang mga magkakaugnay na tag para sa mas maayos na pagsasala at paghahanap, habang pinapayagan ang mga tagagamit na i-tag ang kanilang mga katha sa anumang paraang gusto nila.

Pagsasalin
Mga Tagapangulo: Ioana, Natalia Gruber, at Priscilla
Namamahala sa mga boluntaryong tagasalin at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga komite upang maging abeylabol sa lahat ng posibleng wika ang kanilang mga proyekto at dokumento.

Nagbabagong Katha at Kultura
Tagapangulo: Karen Hellekson at Kristina Busse
Nangangasiwa sa Transformative Works and Cultures – TWC (Nagbabagong Katha at Kultura), isang internasyonal, peer-reviewed, at online na pahayagang pang-akademya sa larangan ng araling pang-medya. Kasama rito ang pangangasiwa sa open-source journal software (OJS) ng TWC, pagsusuri sa mga isinumiteng artikulo, at pagtulong sa mga maykatha ukol sa nilalaman kung kinakailangan. Sila rin ang nangangasiwa ng mga dokumento sa pamamagitan ng OJS para sa peer review, pagbabago, pamamatnugot, at pagdidisenyo.

Mga Boluntaryo at Pagrerekrut
Tagapangulo: Alison Watson at Cyn
Nangangalap at namamahala ng mga boluntaryo para sa lahat ng komite at proyekto, nagbibigay sa kanila ng iba’t ibang kasangkapan, at nagbabantay sa kanilang serbisyo. Ang komiteng ito rin ang nagpapanatili ng malaking database ukol sa mga boluntaryo, namamahala sa mga kampanya para sa paghahanap ng mga bagong miyembro, at gumagawa ng mga panloob na sanggunian at dokumentasyon para sa mga proyekto at komite ng OTW. Tumutulong ito sa panloob na paglilinaw at pagpapatuloy ng mga gawain ng OTW sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapanatili ng isang matatag na batayan ng kaalaman.

Webs
Tagapangulo: Ridicully
Gumagawa ng disenyo at nagpapanatili ng website ng OTW. Ginagamit namin ang WordPress bilang CMS, at patuloy kaming naghahanap ng mga kuwalipikadong developer na maaaring tumulong sa amin.

Sa kasalukuyan, ito ang aming mga responsibilidad:

Makipag-ugnayan lamang sa Komite ng Webs kung interesado kang maging boluntaryo, o kung nais mong ipaalam kung may problemang teknikal sa isa sa mga site na nabanggit.