Mga Direktor na Emerita

Tanda: Ito ang pinakabagong bersyon ng mga talambuhay ng mga direktor noong natapos ang kanilang mga termino.

Rachel Barenblat (2009-2011) Isa sa mga nagtatag ng Inkberry si Rabbi Rachel Barenblat, isang organisasyong di-pangkalakal para sa sining pampanitikan na may layuning tulungan ang bawat manunulat na hanapin ang kanyang boses. Nakapaglingkod na rin siya sa lupon ng dalawa pang organisasyong di-pangkalakal. Ang anim na taon na ginugol niya sa pagpapatakbo ng Inkberry ang nagbigay sa kanya ng kasanayan sa pangangasiwa ng mga organisasyong di-pangkalakal, sa grantwriting, at pagpapalago ng miyembro. Isang makatang tinaguriang “The Velveteen Rabbi” na nagsusulat sa blog tungkol sa mga isyung panrelihiyon, at isang masigasig na kalahok sa online fandom simula 1999, mayroong matatag na dedikasyon si Barenblat sa mga ibahing katha at sa pagsusulat bilang pamamaraan ng personal na pagbabago. Ikinasal siya kay Ethan Zuckerman, ang pinuno ng Center for Civic Media sa MIT. Kasalukuyang naglilingkod si Barenblat sa isang maliit na kongregasyon sa kanlurang bahagi ng Massachusetts. Noong kanyang termino sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) Board, nanoond siya ng maraming West Wing at LOST.

Julia Beck
(2011-2013) Isang estudyante si Julia Beck ng media at communication studies sa University of Halle-Wittenberg (Germany) at nagtatrabaho bilang isang communications and quality supervisor sa customer support. Isang fantasy nerd simula pagkabata, naging introduksyon niya sa organisadong fandom ang Zetsuai: Bronze at ang German yaoi fandom. Mula roon, napadpad siya sa international media fandom. Kinikilala niya ang kanyang sarili bilang isang matinding gamer, higit sa lahat ng Western at JRPGs, pero tagahanga siya ng fandom mismo sa halip na mga partikular na pinanggalingan nito.

KellyAnn Bessa (2007-2009) Isang estudyante si KellyAnn Bessa na may kursong BS Management sa Cardinal Stritch University, at kasalukuyang nagtatrabaho bilang human resources consultant sa isang investment firm. Halos sampung taon na siyang namamalagi sa fandom bilang isang manunulat, may-ari ng mailing list, community moderator, at webmaster. Bukod sa pagpapatakbo ng iba’t ibang artsibo, nangangalaga siya ng mga website para sa ilang manunulat ng fan fiction. Isa sa mga una niyang hinangaan noong kabataan si Batman, at nagtatrabaho pa rin siya ng ilang oras kada linggo sa kanyang lokal na tindahan ng komiks. Nakikilahok din siya sa online community ng mga tagahanga ng peministang komiks.

Maia Bobrowicz (2013) Isang business analyst at project manager sa isang software development branch ng isang internasyonal na kompanya si Maia. Nahihirapan siyang mawalay mula sa pag-aaral. Nagtapos siya ng mga kursong BSc in Chemistry, Metallurgy and Philosophy at Bachelor of Journalism. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa gabi upang makatapos ng MBA. Naging interesado si Maia sa online fandom noong 2001 at unti-unting pumasok sa pagbabasa, hanggang sa pangangasiwa, hanggang sa pagboboluntaryo. Isang boluntaryo ng OTW simula 2008, naging tagapangulo si Maia ng Accessibility, Design & Technology at tumulong sa paglunsad ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa open beta. Bilang bahagi ng kanyang pilosopiyang makapagbigay sa komunidad, sumali siya sa komite ng Swancon (isang taunang kombensyong pang-science fiction sa Kanlurang Australia) noong 2009 bilang isang program coordinator. Isinulong niya ang isang programa para sa mga kababaihan at pamilya, kung saan mga babae ang 49% ng naimbita niyang mga panelista at tagapagsalita. Isa si Maia sa mga tagapagpadaloy ng taunang diskusyon na pinangalanang Safe Spaces, na naglalayong sumiyasat ng mga paraan upang gawing mas kasiya-siya at ligtas ang mga kombensyon para sa lahat ng kalahok.

Unang natuklasan ni Matty Bowers ang fandom noong Mayo ng 1998; gayunman, hindi siya ganap na napabilang hanggang 2001. Highlander at Buffy ang kanyang mga naunang fandom, gayunman napasali na rin siya sa iba’t iba pang mga fandom. Sa kasalukuyan, isa siyang ganap na tagahanga ng fandom; magbabasa siya ng kahit anong mahabang katha sa anumang fandom! Karaniwang nagtatago si Matty noong mga unang taon, ngunit sa huli, nagsimula rin siyang mag-ambag sa proyekto ng mga tagahanga, tulad ng mga newsletter at komunidad para sa mga rec. Nabighani at naintriga siya noong una niyang narinig ang tungkol sa ideya ng pagbubuo ng isang lugar kung saan ang fandom ang nagmamay-ari ng mga server, at sumali sa OTW bilang isang Tag Wrangler noong nagkaroon ng tawag para sa mga boluntaryo noong 2009. Simula noon, nagtrabaho siya sa Komite ng Tulong, Dokumentasyon para sa AO3, at Konseho Laban sa Pang-aabuso. Nagtapos si Matty ng pag-aaral na may digri sa Edukasyon at nagturo ng higit sa sampung taon bago lumipat ng trabaho sa larangan ng teknolohiya. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang tagapamahala para sa isang lokal na negosyo, at bilang tech support sa kanyang mga bakanteng oras para sa kanyang mga kaibigan at kapamilya.

Hele Braunstein (2011) Isang estudyante si Hele Braunstein ng Universidad de Buenos Aires, kung saan nag-aaral siya ng agham-buhay at nagsasaliksik tungkol sa kapaligiran. Isang Latinong Amerikana, na Espanyol ang katutubong wika, aktibong nakikilahok si Braunstein sa iba’t ibang online platforms at fannish cultures. Bilang isang tagasuporta sa pagbigay ng aksesibilidad sa iba’t ibang bansa at fandom sa buong mundo, nagbibigay-pansin siya sa mga tagahangang hindi nakapagsasalita ng Ingles at sa mga tagahangang ginagamit ang Ingles bilang fannish lingua franca. Nakapagturo na siya sa mga kapwa tagahanga ng pangunahing pagsusulat. Naglingkod din siya bilang bahagi ng isang website moderating team. Nagboboluntaryo si Braunstein sa iba’t ibang paraan para sa Perfect imagination, sa Jane Austen Fanfiction Index, at sa Regency Encyclopedia. Malawak ang kanyang mga kinahihiligan bilang isang tagahanga, kasama na rito — ngunit hindi limitado, ang mga sumusunod na fandom: Jane Austen, Harry Potter, X-Files, Naruto, Hikaru no Go, Monster, Iron Man, at The Breakfast Club.

Isa si Kristina Busse (2016-2019) sa mga tagapagtatag at kapatnugot ng Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura), ang pang-akademyang pahayagan ng OTW, at walong taon na siyang nagtatrabaho para sa OTW. Kapatnugot siya ng ilan sa mga pang-akademyang libro ukol sa fan fiction at sa kultura ng mga tagahanga, at nagpapatuloy siyang maglathala sa larangang ito. Kabilang sa kaniyang mga libro ang Framing Fan Fiction (2017), maging ang mga koleksiyon ng sanaysay na kaniyang kapwa-pinatnugutan na Fan Fiction and Fan Communities in the Age of the Internet, Sherlock and Transmedia Fandom, The Fan Fiction Studies Reader. Sa katunayan, napupunta rin sa OTW ang lahat ng mga nalikom galing sa mga mambabasa nito. Nakilahok si Kristina sa organisadong fandom bilang isang Buffy/Angel shipper sa huling taon ng dekada nobenta, at ngayo’y nasa mas marami pang mga fandom higit pa sa gusto niyang aminin, at sa sandaling ito ay mayroong pagkahumaling para sa Dragon Age, MCU, at Vorkosigan. Mayroon siyang PhD sa Ingles galing sa Unibersidad ng Tulane, at nagtuturo sa Kagawaran ng Pilosopiya at sa Kagawaran ng Aralin ukol sa Kasarian sa Unibersidad ng Timog Alabama. Lahat ay kanyang itinuturo, mula lohika at mitolohiya hanggang sa aralin ukol sa mga tagahanga at kasaysayang LGBT. Isang nailipat na Aleman si Kristina, na nakatira sa timog Estados Unidos kasama ng kanyang pamilyang mga manlalaro ng tabletop role-playing.

Nagtrabaho si Aline Carrão (2015-2017) sa pagtatanggol ng mamimili at sa batas-sibil at kasalukuyang ipinagpapatuloy ang kanyang edukasyon para makapagtrabaho bilang isang empleyado ng gobyerno. Nadiskubre ni Aline ang fandom noong sinasakop ng Harry Potter ang mundo at hindi na siya umalis simula noon. Sumali siya sa OTW noong 2013 bilang isang tag wrangler at unti-unting nasali sa iba’t ibang bahagi ng organisasyon. Kawani na siya ngayon ng komite ng Tulong at Pagsasalin. Sa komite ng Tulong, sumagot siya ng mga problema, mga katanungan at katugunan mula sa mga tagagamit. Sa Komite ng Pagsasalin, namamahala siya ng 150 na boluntaryo at nakakumpleto ng mga proyekto na may mahigpit na timeline, sa isang kapaligiran kung saan umiiral ang patuloy at produktibong pag-uusap ng buong grupo.

Francesca Coppa, PhD (2007-2012) Si Francesca Coppa ang direktor ng araling pampelikula at propesor ng Ingles sa Muhlenberg College, kung saan nagtuturo siya ng mga kurso sa panitikang pang-drama, kathang pang-madla, at pagkukuwento gamit ang mass media. Nailathala ang kanyang mga sinulat ukol sa media fandom sa Fan Fiction and Fan Communities in the Age of the Internet at ipinahayag sa pagpupulong tungkol sa mga pagbabago sa media sa MIT. Noong 1980s pa si Coppa pumupunta sa mga kombensyon at bumibili ng mga magasin, kung kailan sulat-kamay pa ang mga fan fiction nilang magkakaibigan at pinapadala nila ito sa isa’t isa sa pamamagitan ng koreo. Noong gitang-1990s pa siya pumasok sa online fandom bilang isang manunulat, list administrator, vidder, archivist, at community moderator.

Cathy Cupitt, DCA (2007-2008) Nagtuturo si Cathy Cupitt ng agsusulat at Shakespeare sa University of Western Australia. Nagtapos siya ng doctorate sa malikhaing sining mula sa Curtin University of Technology. Inilalathala ang kanyang mga katha sa iba’t ibang pahayagan sa Australia tulad ng Westerly at Borderlands. Noong 1997, nanalo siya ng unang gantimpala na may halagang US$20,000 sa ika-20 anibersaryo ng Hyundai World-wide Essay Contest. Simula nang matuklasan niya ang fandom noong 1988, nakapagsulat na si Cupitt sa siyam na fandom. Masipag din siyang nagpapatakbo ng isang website para sa mga rekomendasyon. Nakapaglingkod na siya sa maraming fannish committee, kasama na rito ang pambansang SF convention sa Australia noong 2001, kung saan naging co-convenor siya.

Mayroong titulo siPriscilla Del Cima (2016-2019) ng pagtatapos sa Batas at may MBA sa Pamamahala ng Proyekto. Una siyang sumali sa OTW noong 2009 at nagtrabaho na sa iba’t ibang komite simula noon, kabilang ang Pagsulong at Kaaniban at Dokumentasyon para sa AO3. Naitatag siya bilang Tagapangulo ng Komite ng Pagsasalin noong 2013, noong inayos niyang muli ang istraktura ng komite, at sa kasulukuyan muli niyang itinatatag ang mga pangkat ng Pananalapi at Fanlore.

Franzeska Dickson (2012-2014) Nagtatrabaho si Franzeska Dickson sa isang opisina ng pananalapi. Isang geek noon pa man, nakapasok siya sa mundo ng fanfiction sa pamamagitan ng alt.tv.x-files na kanyang nadiskubre sa batang edad na 13, at namalagi na siya simula noon sa fandom ng mga fanwork, una bilang isang mambabasa, tapos bilang isang manunulat at beta, at ngayon bilang isang vidder. Mga pan-fandom ang kanyang mga paboritong abenida at kaganapan, kabilang na rito ang madalang na palitan ng Asian fandoms. Nakapaglingkod na siya dati para sa mga komite ng Content, Abuse, Webmasters, at Tag Wrangling, at naging boluntaryo na rin sa iba’t ibang paraan sa loob ng OTW.

Eylul Dogruel (2012-2015) Isang pintor si Eylul Dogrue at kandidato ng MFA sa Marmara University, Istanbul. Samu’t sari ang kanyang karanasan na may kombinasyong computer science at sining. Malawak ang saklaw ng kanyang kaalaman at mga interes, tulad ng new media, sci-fi, customer support, mga web technology, at usability. Matagal na siyang tagahanga at nakasubok na ng iba’t ibang fandom sa media at gaming. Mambabasa siya ng fanfic, tagahanga ng fanart, MMO roleplayer, at, paminsan-minsan, meta writer. Ang mga sumusunod ang kanyang mga kasalukuyang fandom: Warcraft, Doctor Who at The Longest Journey/Dreamfall.

Anna Genoese (2014) Isa ng tagahanga si Anna Genoese simula pagkabata at kasalukuyan siyang nagtatrabaho para sa isang international nonprofit na nakatuon sa paghubog sa kabataan. Habang nagtatrabaho bilang isang propesyonal na patnugot, inilathala ni Anna ang ilan sa mga orihinal na katha ng ibang manunulat ng fanfic. Sa ilalim ng isang palayaw, nagsulat si Anna ng fanfic at gumawa ng podfic para sa ilang fandom na makikita sa AO3. Naglingkod si Anna sa komite ng Estratehikong Pagpaplano sa OTW mula Enero 2012 hanggang Disyembre 2013, at nagsilbing tagapangulo ng nasabing komite mula Agosto 2012 hanggang Disyembre 2013. Isa rin siyang boluntaryong tag wrangler.

Susan Gibel, JD (2007-2009) Isang senior manager si Susan Gibel sa Center for Effective Public Policy, Inc., isang nonprofit organization na itinaguyod upang tulungan ang ibang ahensiya sa paglikha at pagsagawa ng mga patakarang patas para sa publiko. Nakatuon ang kanyang trabaho sa pambansang pagsasanay at pagbibigay ng tulong teknikal na may kaugnayan sa domestic violence at offender reentry. Nakatrabaho na niya ang mga antiviolence organization ukol sa mga isyu ng domestic violence at queer rights. Nagtapos din siya sa pagka-abogasya mula sa University of Minnesota. Napabilang si GIbel sa fandom simula mid-1970s, una rito ang Star Trek. Nagsusulat siya para sa ilang fandom, pangunahin dito ang Due South. Itinaguyod niya ang taunang palitan ng mga kuwento na itinatawag na Due South Seekrit Santa story exchange.

Ira Gladkova (2010-2013) Isang Web designer at developer si Ira Gladkova na nakatuon sa user interface, usability, accessibility, at Web standards. Isang matagalang tagahanga na tumatangkilik sa iba’t ibang media, may partikular na interes si Zie sa mga proyektong nag-uugnay sa iba’t ibang komunidad at media. Bilang isang community moderator at kawani ng dalawang fandom newsletter, kasama sa kanyang trabaho sa taunang palitan ng mga fandom ang co-moderation, pag-disenyo at front-end coding sa mga signup form, at paggawa ng mga alituntunin na may wikang hindi namimimli ng kahit sino at bukas sa samu’t saring media, kink, at kagustuhang pangkasarian. Nakalikha si Gladkova ng mga kuwento, obra, komik, at graphic sa mahigit limampung fandom. Isa siyang masigasig na reccer at beta reader, na nais tapusin agad ang kanyang mga kauna-unahang video. May kakaibang iklinasyon si Zie na ibigin ang mga karakter na hindi kabilang sa mga bida.

Soledad Griffin (2014-2015) Kasalukuyang isang estudyante si Soledad Griffin sa mas mataas na antas ng Letras sa Universidad Nacional de La Plata sa Argentina. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho para sa isang planong pang-edukasyon ng pamahalaan para sa kabataan ng Argentina, ang Jóvenes y Memoria, matapos siyang magboluntaryo doon nang mahabang pahanon. Mahigit kalahati na ng kanyang buhay ang inilaan niya sa fandom, simula sa anime fandom na gumagamit ng Espanyol noong dulong 90s hanggang umabot na sa iba’t ibang fandom.

Natanggap ni Atiya Hakeem (2015-2018) ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa larangan ng agham-buhay mula sa California Institute of Technology, at ang kanyang PhD sa biomedical na agham mula sa Unibersidad ng Hawaii. Pagkatapos niyang magtrabaho ng maraming taon sa Caltech bilang isang neurobiologist na pinag-aaralan ang autism at social cognition, bumalik siya sa Hawaii kamakailang lamang, at ginugugol ang kanyang oras kasama ang mga aardvark bilang isang boluntaryo sa Honolulu Zoo. Palagi niyang ginagamit ang fandom upang ipahayag ang kaniyang pagkamalikhain, at kabilang sa mga interes niya ang Star Trek, baseball, ang edad ng paglalayag, Hawaii Five-O, at anime, na nagbigay-daan sa paglilingkod bilang kawani ng komperensiya sa Anime Expo at AX New York. Sumali siya sa OTW bilang isang boluntaryo ng AO3 Tulong noong 2012 at tumugon mula noon ng halos 5,000 na katanungan ng mga tagagamit. Na-udyok dahil sa pagnanais na maging direktang kasangkot sa pagpapanatili sa pagtakbo ng AO3, sumali siya sa komite ng AD&T (ang komite para sa pagpoprograma at disenyo ng AO3) bilang isang tester, at ngayon siya ang puno ng subkomite ng Panunubok at Paniniyak ng Kalidad. Naglingkod rin siya sa gawaing grupo ng Pagbabago ng Kategoriya at Pagsisiyasat.

Isa si Katarina Harju (2015-2017) na wikang-Suwekong taga-Pinlandiya na kasaulukuyang nagsusumikap makapagtapos sa Information Technology. Bago ito, nagtrabaho siya sa kontadurya ng maraming taon. Hinanap niya ang fandom noong 2000 pagkatapos makapagbasa ng tungkol dito sa isang magasin (at lubos siyang nagpapasalamat na napulot niya ang partikular na magasin na iyon sa kaniyang kainipan). Nakapaglikha siya ng mga hangang-katha sa iba’t ibang mga fandom, at maaaring mahanap ang marami sa mga ito sa kaniyang AO3 userpage. Naibigan niya ang podfic, at sumusulat pa rin siya ng fic, gumagawa ng podfic at lumilikha ng mga hangang-craft paminsan-minsan, bagaman hindi niya ito magawa ng kasingdalas sa kanyang nais. Malapit na sinubaybayan ni Katarina mula sa simula ang trabaho ng OTW, at siya ring sumanib noong 2013 bilang isang miyembro sa Komite ng Pagsasalin, kung saan ngayon isa siyang tagasalin at kawani. Gumugol rin siya ng oras bilang isang tag wrangler noong 2014, at kasalukuyan ring naglilingkod sa AO3 Konseho Laban sa Pang-aabuso.

Andrea Horbinski (2012-2015) Isang Ph.D. candidate si Andrea Horbinski ng modern Japanese history, na may espesyalidad sa New Media sa University of California, Berkeley. Maliban sa OTW Board, naglilingkod din siya bilang miyembro ng Lupon ng mga Pinagkokonsultahan at bilang Kalihim ng Lupon ng Pangangasiwa sa Ada Initiative, na nakatuon sa pagpapalakas ng partisipasyon ng kababaihan sa kultura at open technology. Dati siyang Fullbright Fellow sa Japan, kung saan nag-aral siya ng hypernationalist manga sa Kyoto. Dati rin siyang nagsilbing tagapangulo ng komite ng Internationalization at Outreach sa OTW. Sumali siya sa online fandom noong 1999 matapos niyang isentro ang kanyang pagtatapos na talumpati sa kanyang pagmamahal para sa Star Wars, at pumasok na rin siya sa madaling panahon sa fandom ng anime at manga bilang isang AMV editor at pagkatapos, bilang fan translator. Natalakay na niya sa ilang kombensyon at pagpupulong sa loob ng limang kontinete ang mga paksang fandom, anime, manga, pati na rin ang kasaysayan at mga alamat ng Japan. Kasama sa mga nasabing kombensyon at pagpupulong ang Otakon, Sirens, WisCon, AnimeExpo, at HASTAC. Ang kanyang mga artikulo at pagsusuri ay makikita sa The WisCon Chronicles vol. 6, Mechademia, at Transformative Works and Cultures.

Sheila Lane (2009-2011) Mayroong master’s degree sa business management si Sheila Lane at isa siyang lisensyado at sertipikadong pampublikong accountant. Nagtatrabaho siya bilang corporate accountant para sa isang worldwide brokerage company. Dalubhasa siya sa pagpapabuwis para sa mga indibidwal at maliliit na negosyo. Dating nagtrabaho si Lane para sa Senado ng Estados Unidos, kung saan naglingkod siya bilang tagapag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at ng mga nasasakupan nito, partikular ang Social Security Administration at ang IRS. Nagsusulat siya ng blog tungkol sa usaping salapi sa LiveJournal, sa ilalim ng palayaw na “sheila_cpa.” Mula 1994 pa namamalagi sa online fandom si Lane, mula sa telnet ng BBS hanggang sa mga ‘zine, mailing list, at LiveJournal. Nakapagsulat na siya sa mahigit tatlumpung fandom, mula Alias hanggang Witchblade, kung saan madalas siyang beta. Nakapagpangasiwa na rin siya ng maraming mailing list, komite, at hamon.

Margaret J. MacRae (2014-2015) Nagtapos si MJ MacRae ng Kasaysayan mula sa Smith College. Pagkatapos ng kolehiyo, nagtrabaho si MJ ng tatlong taon bilang general manager sa isang maliit na teatrong nonprofit sa kanyang komunidad. Pagkatapos, nagdesisyon siyang maging abogado dahil walang kumukupkop sa knights errant. Nag-aral siya sa Lewis and Clark Law School, kung saan naging patnugot siya para sa Environmental Law Journal. Layon sana ni MJ na bumalik sa nonprofit management, ngunit inakit siya palayo ng korte kaya ngayon nilalaan niya ang kanyang mga araw na nakasuot ng suit (na hindi gawa sa baluti sa kasawiang palad). At dahil natuto siyang magbasa ng mga libro nang napakabilis, natuklasan niya ang online fandom noong tinedyer siya dahil naiinip na siya para sa susunod na nobela ni Tamora Pierce. Ang kanyang mga kasalukuyang fandom ay MCU, Arrow, Star Trek, at GoT.

Cat Meier (2012-2015) Nag-aral si Cat Meier ng International Relations sa American University, at simula noon nagtrabaho siya sa iba’t ibang di-magkakaugnay na disiplina, kabilang ang financial administration, marketing, at political canvassing. Dati siyang kapwa pangulo ng komite ng OTW Finance, na kanyang pinaglingkuran simula nang maitaguyod ito. Isang mambabasa ng science fiction at fantasy simula pagkabata, naging miyembro siya ng online fandom noong 1999 bilang isang mambabasa, reccer, beta reader, at meta writer sa iba’t ibang uri ng fandom mula sa mga makasaysayang pelikula hanggang sa mga superhero komiks. Mula 2005 hanggang 2011, naglingkod siya bilang isa sa mga taga-ipon ng tampok na fannish newsletter, ang Metafandom.

Allison Morris (2010-2011) Nakapagtapos ng BA sa Panitikang Hapon mula sa University of Michigan si Allison Morris. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang pampublikong aklatan bilang superbisor ng mga pampublikong serbisyo. Isang tagahanga buong buhay niya, partikular si Morris na tumatangkilik sa mga fanwork na tumatangkilik sa likha ng mga kapwa tagahanga, pati na rin sa mga fanwork na iniiba ang anyo ng iba pang fanwork, katulad ng mga remix, podfic, recs, at iba pa. Isa siyang masigasig na tagalikha at tagataguyod ng podfic; gumawa siya ng artsibo para sa Audiofic na kanya ring inaalagaan, binibigyan ng mga permanenteng link at tirahan ang kanyang patuloy na lumalaking koleksyon ng podfic. Nangasiwa na rin siya ng ilang podfic workshops. Maliban sa kanyang artsibong pang-Audiofic, nangangalaga rin si Morris ng ilang website para sa marami pang mga tagahanga. Nangangasiwa rin siya ng ilang komite at hamon na nagpapatuloy pa. Kapag may oras, sumasali rin siya sa mga kombensyon at pagpupulong para sa mga tagahanga.

Kristen Murphy (2010-2013) Kawani si Kristen Murphy ng Individualized Major Program sa Indiana University. Kasalukuyan siyang nag-aaral para sa kanyang master’s digri sa higher education at student affairs. Isa siya sa mga nangasiwa sa unang pagpupulong ng individualized major programs sa Estados Unidos, na ngayon ay taunan nang nagaganap. Nakapagtrabaho siya kasama ang isang propesyonal na Web development team, at naging manunulat at patnugot para sa print at online media. Sumali siya sa online fandom noong 1996, at una niyang fandom na nagustuhan ang Quantum Leap at Mighty Morphin Power Rangers, hanggang napadpad na siya sa marami pang ibang science fiction at fantasy fandoms. Isa siyang masigasig na manunulat, beta reader, at podficcer.

Naomi Novik (2007-2010, 2012) May-akda si Naomi Novik ng Temeraire, isang tampok na serye ng New York Times sa kategoriyang historical fantasy. Naisalin na ito sa dalawampu’t tatlong lenggwahe at pinag-isipang gawan ng pelikula ni Direktor Peter Jackson. Nagtrabaho siya dati para sa tampok na computer game, ang Neverwinter Nights: Shadows of Undrentide at tumulong sa pagtaguyod ng Juno Online Services. Noong 1994 pa naging masigasig si Novik sa online fandom sa pamamagitan ng paglathala ng mga kuwento at video sa mahigit limampung fandom. Nagtaguyod din siya ng ilang institusyong ipinapatakbo ng mga tagahanga: isang multiuser online role-playing game na sinimulan noong 1995, isang kombensyon sa paggawa ng video simula 2002, at isang tanung palitan ng mga kuwento sa iba’t ibang fandom simula 2003. Nilikha niya ang Automated Archive software na malayang ginagamit ng maraming artsibo ng fanfic. Tumulong siya sa pagtaguyod ng OTW noong 2007 bilang Tagapangulo ng Lupon ng Pangangasiwa noong unang tatlong taon nito.

Nikisha Sanders (2011-2014) Nagtapos si Nikisha Sanders ng Bachelor of Arts sa Sosyolohiya at Antropolohiya mula sa Earlham College, kung saan sinulat niya ang kanyang senior thesis tungkol sa representasyon ng kasarian sa mga kababaihang queer. Nagtrabaho siya bilang aktibista para sa pagturo at pagkalat ng kamalayan tungkol sa AIDS. Ipinagtanggol din niya ang mga karapatang LGBT sa lokal at nasyonal na lebel bilang kawani ng Fairness Campaign. Naglingkod din siya bilang miyembro ng lupon ng Kentucky coalition of Jobs with Justice. Bitbit niya ang kanyang mga karanasan sa non-profit management at accounting dito sa Lupon ng OTW, at may personal siyang interes na tumulong sa mga komunidad ng fandom ng mga taong may kulay. Medyo baguhan pa siya sa online fandom. Sumali siya noong 2000 bilang masigasig na mambabasa ng Buffy the Vampire Slayer fanfic; at nagsimula siyang sumulat noong 2006 para sa iba’t ibang fandom ng telebisyon at pelikula, katulad ng NCIS, Criminal Minds, at Harry Potter.

Jenny Scott-Thompson, MA (Cantab) (2012) Isang IT at management consultant para sa isang malaking international firm si Jenny Scott-Thompson. Mayroon siyang malawak na karanasan sa pagsasagawa ng mga sistema at ng mga teknolohiyang proyekto. Nag-aral siya ng matematika sa University of Cambridge at naninirahan sa UK. Simula pa lamang, tagahanga na siya at open-source developer. Nagboluntaryo siya para sa Dreamwidth bago at habang nasa Open Beta pa ito, at sa panahong ito, nakamit niya ang mas malalim na kamalayan tungkol sa mga isyu ng accessibility at pagkakaiba-iba ng mga miyembro. Tagahanga na siya simula pa lamang noong natuto siyang magbasa, at mahilig sa maraming fandom ng libro, telebisyon, pelikula, at RPF..

Jessica Steiner (2012-2015) Sinimulan ni Jessica Steiner ang kanyang karera sa pagsulat ng fanfiction gamit ang kanyang unang nobela na Star Trek noong nasa gitnang paaralan siya. Sa dulo ng dekadang 90s, natuklasan niya na hindi lamang siya ang mahilig sa mga ganoong bagay, kaya pinasok niya ang fandom, pangunahin ang pagsusulat sa fandom ng Gundam Wing at ng Weiβ Kreuz, hanggang sa umabot siya sa iba pang mga fandom. Dati pa siyang manlalakbay ng mga fandom, at nakapagsulat na sa mahigit tatlumpu nito simula noong nahanap niya ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Kanyang mga pangunahing fandom ngayon ang Homestuck at ang Marvel Cinematic Universe. Maliban sa fanfiction, ginugugol niya ang kanyang mga araw sa abogasya at sa propesyonal na pagsusulat. Sumali siya sa OTW noong 2012 at naglingkod sa komite ng Estratehikong Pagpaplano bago siya sumali sa Lupon ng mga Pangangasiwa.

Michele Tepper, PhD (2007-2008) Isang interaction designer si Michele Tepper at dalubhasa sa usability na tumutulong sa mga kompanyang gumawa ng mga matagumpay at di-malilimutang software, website, at digital na aparato. Inilathala niya ang kanyang mga maimpluwensiyang sanaysay ukol sa online community at social software. Siya rin ang dating Web producer para sa magasing Lingua Franca. Mayroon siyang PhD sa Ingles mula sa University of Michigan. Isa si Tepper sa mga gumawa at nag-disenyo ng buffistas.org, isang website na nilikha at pinangangalagaan ng mga tagahanga. Nakatutok ito sa Buffy the Vampire Slayer. Mayroon ang site na mahigit sa isang libong miyembro at ginagamit na nang mahigit limang taon.

Isa si Alex Tischer (2015-2017), DrMedVet na ECC veterinarian. Lumaki sa Alemanya at kasalukuyang nakatira sa Reyno Unido. Bahagi na siya ng fandom mula pa sa simula ng milenya at nagpalipat-lipat ng maraming mga fandom na hindi na mailista dito. Mga kasalukuyan na fandom niya ang: Rivers of London, Person of Interest at Mad Max: Fury Road. Naging miyembro ng OTW noong 2008, at kasabay nito, ibinahagi nya ang ilan sa kanyang oras bilang boluntaryo. Bukod sa fandom ng media, napunta siya sa kakaiba at kahanga-hangang mundo ng laro – mga maliliit at naaangkop na grupo na kahawig ng fandom sa mga kataka-takang kaparaanan. Kapag hindi siya nag-aalaga ng mga hayop na may sakit, mahahanap si Alex sa mga assault course, pag-akyat, at pagtatakbo sa mga trail na kasing-dalas ng paggamit nya ng media.

Rebecca Tushnet, JD (2007-2010) Isang propesor sa Georgetown University Law Center si Rebecca Tushnet. Nagtapos siya mula sa Yale Law School at nagtrabaho bilang kawani para kay Edward R. Becker, ang Punong Hukom ng Third Circuit Court of Appeals sa Philadelphia. Nagtrabaho rin siya para kay Associate Justice David H. Souter ng Korte Suprema. Nagtrabaho siya sa laranganan ng intellectual property law sa Debevoise & Plimpton bago sumali sa departamento ng NYU, at pagkatapos, lumipat na siya sa Georgetown. Nailathala ang kanyang mga gawa ukol sa karapatang-ari, tatak-pangkalakal, at malayang pananalita sa Yale Law Journal, UCLA Law Review, at sa Texas Law Review. Nagpapanatili siya ng isang blog tungkol sa advertising at intellectual property law sa http://tushnet.blogspot.com. Nagbibigay-payo at nagrerepresenta rin siya para sa ilang fanfiction website kapag may mga tunggalian ang mga may-ari tungkol sa karapatang-ari at tatak-pangkalakal. Mula noong 1996, masigasig nang nagsusulat si Tushnet sa online fandom ng mga kuwento sa mga fandom ng X-Files, Buffy, Smallville at iba pa.

Elizabeth Yalkut (2010) Isang estudyante sa Columbia University sa New York City si Elizabeth Yalkut. Nakapagtrabaho na siya sa mga larangan ng development, marketing, at estratehiya para sa mga nonprofit organization na pambatas at teatro. Matagal na siyang boluntaryo para sa American Civil Liberties Union, at kasalukuyang nagtatrabaho sa departamento ng Teknolohiyang Pang-Edukasyon sa Bernard College. Pagkain ang isa sa kanyang mga fandom: nagsusulat si Yalkut ng mga blog tungkol sa pagkain sa A Very Uncommon Cook. Naglilingkod siya bilang ingat-yaman sa Columbia University Science Fiction Society, at kasalukuyang wagas na nasisiyahan sa mga fandom ng Merlin, Sarah Connor Chronicles, at Pirates of the Caribbean.