
Nalalapit na ang panahon ng halalan! Ang pagiging miyembro ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ay nangangahulugan na maaari kang bumoto para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa. Mayroon itong epekto sa pamamalakad ng mga proyekto tulad ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), Fanlore, at Transformative Works and Cultures – TWC (Nagbabagong Katha at Kultura) ngayon at sa hinaharap. Gaganapin ang halalan para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa para sa taong ito sa ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto . (Mangyaring pumunta sa Talahanayan ng Halalan Para sa Taong 2021).
Para makaboto, kailangan mong maging miyembro ng OTW hanggang sa hatinggabi UTC ng ika-30 ng Hunyo 2021 (Anong oras ito para sa akin?). Nangangahulugan ito na nakapagbigay ka ng donasyon ng US$10 o higit pa sa pagitan ng ika-1 ng Hulyo 2020 at ika-30 ng Hunyo 2021, AT pinili mong maging miyembro noong nagbigay ka ng donasyon.
Para maging miyembro, kailangan piliin mo ang “Yes” (Oo) bilang sagot sa tanong na “Do you want to be an OTW member? ($10 minimum donation)” (Nais mo bang maging miyembro ng OTW? ($10 pinakamababang donasyon)) sa form ng donasyon. Kung hindi ka sigurado kung naaangkop ito sa ginawa mong donasyon, mangyaringmakipag-ugnayan sa Komite ng Pagpapaunlad at Kaaniban.
Kapag nakilahok ka sa kampanya para sa pagpaparehistro ng botante, makatatanggap ka ng isang icon na espesyal ang pagkakadisenyo at makukuha lamang sa panahon ng kampanya. Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong pagtangkilik sa OTW! Mag-rehistro para bumoto atmagbigay ng donasyon ngayon!