Pagkakamit ng Eksepsiyon sa DMCA ng Estados Unidos

Petisyon para sa Opisina ng Karapatang-ari na sumang-ayon sa eksepsiyon sa DMCA para sa mga tagagawa ng di-pangkomersyal na remix, 2017-2018

Petisyon para sa Opisina ng Karapatang-ari na sumang-ayon sa eksepsiyon sa DMCA para sa mga tagagawa ng di-pangkomersyal na remix, 2014-2015

Ang OTW Batasan, kasama ang Electronic Frontier Foundation (EFF), na nagbigay ng mga kasagutang pinabubulaanan ang mga pahayag na ang mga tagagawa ng fan video ay hindi dapat bigyan ng karapatang gumamit ng source material na mataas ang kalidad.

Kasama ang Electronic Frontier Foundation, (“EFF”), ang OTW ay naghain ng dalawang kahilingan ng eksepsiyon sa Opisina ng Karapatang-ari ng Estados Unidos. Ang mga kahilingang ito ay para sa pagpapanumbalik ng mga eksepsiyon na tinulungang makamit ng OTW noong 2009 at 2012, na siyang nagbibigay-pahintulot sa mga vidder na lampasan ang encryption sa audiovisual na nilalaman ng mga DVD at mga online na distribution services, para gamitin sa mga di-pangkomersyal at ibahing vid. Dagdag sa pagpapanumbalik ng mga eksepsiyonna iyon, hiniling rin ng OTW na palawakin ang mga eksepsiyon upang masakop ang mga Blu-Ray discs.

Petisyon para sa Opisina ng Karapatang-ari na ipanumbalik ang eksepsiyon sa DMCA para sa mga tagagawa ng di-pangkomersyal na remix, 2011-2012

  • Komento ng Electronic Frontier Foundation (PDF), isinumite noong ika-2 ng Disyembre, 2011. Si Rebecca Tushnet, Rachael Vaughn, at Francesca Coppa, mga miyembro ng OTW, ay nakipagtulungan sa EFF upang magsumite ng panukalang ipanumbalik at palawakin ang eksepsiyon sa DMCA ng mga di-pangkomersyal na taga-remix.
  • Kasagutan sa ngalan ng OTW (PDF), bilang suporta sa panukala ng EFF ukol sa eksepsiyon sa DMCA para sa mga vidder at iba pang mga tagalikha ng remix; isinumite noong ika-2 ng Marso, 2012. Ang mga kawani ng OTW Batasan na si Rachael Vaughn at Rebecca Tushnet ay nakipagtulungan sa mga miyembro ng Batasan at vidding upang magkaroon ng Kasagutang sumusuporta sa panukala ng EFF. Isinumite rin ng EFF ang sarili nilang Kasagutan (PDF) na sumusuporta sa iba’t ibang eksepsiyon, kasama na ang eksepsiyon ng mga di-pangkomersyal na taga-remix.
  • Isang binagong Test Suite of Fair Use Vids kasama ang paghahambing ng footage galing sa DVD at footage na nakuha mula sa screen.
  • Si Francesca Coppa, Rebecca Tushnet, at Tisha Turk ay nagpatotoo sa harap ng Library of Congress, ika-4 ng Hunyo, 2012. Si Tisha Turk ang nagpakilala ng mga tanghal sa aming unang Galerya ng mga Imahe na nagpapakita ng pinagkaiba ng kalidad ng footage na galing sa DVD at nakuha mula sa screen.
  • Kasagutan sa mga tanghal ng DVD CCA na sumusuporta sa pagkuha mula sa screen, isinumite noong ika-2 ng Agosto, 2012; tignan ang ikalawang tanghal ng OTW sa aming pangalawang Galerya ng mga Imahe.

 

Petisyon para sa Opisina ng Karapatang-ari na sumang-ayon sa eksepsiyon sa DMCA para sa mga tagagawa ng di-pangkomersyal na remix, 2008-2009

Humiling ng eksepsiyon mula sa DMCA ang EFF sa Library of Congress (Aklatan ng Kongreso), para mapayagan ang paghugot ng mga clip mula sa DVD para maisama sa mga di-pangkomersyal na remix na video, tulad ng mga fanvid, na kasama sa mainam na paggamit. Ang OTW (at marami pang mga vidder) ay tumulong sa paghahanda ng kahilingan.

  • Kasagutan ng OTW , (PDF, o basahin sa HTML) na sumusuporta sa iminumungkahi ng EFF na eksepsiyonmula sa DMCA para sa mga vidder at iba pang mga tagalikha ng remix; isinumite noong ika-2 ng Pebrero, 2009.

Nagsumite ang OTW ng kasagutan na sumusuporta sa iminumungkahi ng EFF na eksepsiyon mula sa DMCA para sa mga vidder at iba pang tagalikha ng remix na video.

Noong ika-22 ng Hunyo, humingi ang Opisina ng Karapatang-ari ng karagdagang impormasyon mula sa OTW at ibang grupo na tumestigo noong Paglilitis ng DMCA ukol sa mga panglaban sa mga sistemang pamprotekta noong ika-6 hanggang 8 ng Mayo. (Ang mga paglilitis na ito ay para pakinggan ang mga testigong sumasang-ayon at kumakalaban sa mga eksepsiyon mula sa DMCA ng mga tagapagturo, maliban sa mga propesor ng pag-aaral ng pelikula (at kasama ang mga K-12 na guro), tagalikha ng mga dokumentaryong pelikula, at mga vidder at iba pang tagalikha ng di-pangkomersyal na remix.) Ang mga karagdagang katanungang ito ay ukol sa mga DVD at mga software para makalikha ng mga clip mula sa screen.

Nagpadala ang Opisina ng Karapatang-ari ng pangalawang hanay ng mga karagdagang katanungan noong ika-22 ng Agosto, 2009. Nakipagtulungan ang OTW sa Electronic Frontier Foundation, kasama ang ilang mga samahan ng aklatan (ALA, AALL, ARL, ACRL), mga propesor ng pag-aaral ng pelikula at media, at mga tagagawa ng dokumentaryo at ang kanilang mga organisasyon, sa magkasamang kasagutan. Nagsulat rin kami ng hiwalay na kasagutan kasama ang EFF, para tiyakin ang mga pangangailangan ng mga vidder at iba pang mga tagagawa ng remix; tignan sa ibaba.

  • Isang Test Suite of Fair Use Video: Isang halaw ng mga fan video na may komentaryo, inihandog bilang bahagi ng pagsuporta namin sa mungkahi ng eksepsiyon mula sa DMCA ng mga di-pangkomersyal na tagagawa ng remix.