Naniniwala ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na ang mga hangang-katha ay malikhain at nakakapag-iiba, kaibuturan ng mainam na paggamit, at sa gayon ay magiging masigasig kami sa pagtatanggol at pagdedepensa ng mga hangang-katha mula sa pang-komersyal na pananamantala at ligal na paghahamon. Hindi limitado ang tulong na ito sa mga tagahanga o proyektong direktang may kinalaman sa OTW.
Kabilang sa mga misyon ng Batasang Komite ng OTW ay ang edukasyon, pagbibigay ng tulong at adbokasiya.
- Kami ay gumagawa at nagpapaskil ng mga pang-edukasyong materyal sa transformativeworks.org at sa archiveofourown.org tungkol sa mga pagbabago sa mga batas na may kinalaman sa fandom.
- Kami ay tumutulong sa mga indibidwal na tagahanga kung may paghamon ang kanilang mga katha, at sinasagot namin ang kanilang mga katanungan tungkol sa mga batas na may kinalaman sa mga ito. Tinutulungan din namin silang makahanap ng ligal na representasyon.
- Kami ay nakikipagtulungan sa iba pang mga mapagtaguyod na samahan at koalisyon sa Estados Unidos at sa iba pang panig ng mundo.
- Isinusulong namin ang mga batas at patakaran na patas at pumoprotekta sa fandom at sa mga hangang-katha.
- At marami pang iba!
Kabilang sa mga gawain ng aming ligal na adbokasiya ay ang sumusunod:
[expand title=”Pagkuha ng iksemsyon mula sa DMCA ng Estados Unidos, na nagbibigay-pahintulot sa mga manlilikha ng mga di-pangkomersyal na remix na maiwasan ang proteksyon ng karapatang-ari sa mga nilalaman ng Blu-Ray, DVD, at mga materyal sa Internet”]
- 2017-2018 Petisyon para sa Opisina ng Karapatang-ari, na sumasang-ayon sa pagkalibre mula sa DMCA para sa mga manlilikha ng di-pangkomersyal na remix
- Mga Komento noong Marso 2018
- Mga Komento noong Disyembre 2017
- Petisyon noong Hulyo 2017
- 2014-2015 Petisyon para sa Opisina ng Karapatang-ari, na sumasang-ayon sa iksemsyon mula sa DMCA para sa mga manlilikha ng di-pangkomersyal na remix
- Tugon noong Hunyo 2015
- Tugon noong Mayo 2015
- Mga Komento noong Pebrero 2015
- Mga Petisyon noong Nobyembre 2014
- 2011-2012 Petisyon para sa Opisina ng Karapatang-ari, na sumasang-ayon sa iksemsyon mula sa DMCA para sa mga manlilikha ng di-pangkomersyal na remix
- Tugon noong Agosto 2012 at ikalawang galeriya ng mga imahen
- Test Suite of Fair Use Vids
- Galeriya ng mga Imahen
- Mga Komento sa Tugon noong Marso 2012
- Komento noong Disyembre 2011
- Mga materyal para sa Petisyon noong 2008-2009
- Mga Komento sa Tugon noong Pebrero 2009
- Komento noong Disyembre 2008
Para sa karagdagang impormasyon at sa mga aktwal na sulat at komento, maaaring tumungo sa
Pagkamit ng mga iksemsyon mula sa DMCA ng Estados Unidos.
[/expand]
[expand title=”Pagsusumite ng mga sulat at komento tungkol sa mga patakaran sa pamahalaan ng Estados Unidos at sa mga pamahalaan ng iba’t ibang bahagi ng mundo”]
- Mga Komento noong Hunyo 2018 para sa Parliyamento ng Kanada bilang bahagi ng nakatakdang pagsusuri ng Kanada sa sarili nitong Batas ukol sa Karapatang-Ari
- Mga Komento noong Hunyo 2017 para sa Kumakatawan ng Kalakalan ng Estados Unidos, ukol sa North American Free Trade Agreement (Kasunduan ng Hilagang Amerika ukol sa Malayang Kalakalan)
- Mga Komento noong Marso 2017 para sa Opisina ng Karapatang-ari ukol sa mga Moral na Karapatan ng Atribusyon at Integridad
- Mga Karagdagang Komento noong Pebrero 2017 para sa Opisina ng Karapatang-Ari ukol sa Seksyon 512 ng DMCA
- Mga Komento noong Oktubre 2016 para sa Singapore, bilang pagtugon sa mga Iminungkahing Pagbabago sa Rehimen ng Karapatang-ari ng Singapore
- Mga Komento noong Hunyo 2016 sa Opisina ng Karapatang-ari ukol sa Pagbabago ng Ahente ng DMCA
- Mga Komento noong Abril 2016 para sa Komisyon ng Europa ukol sa Pagpapatupad ng Mga Karapatan sa Intelektwal na Pagmamay-arii
- Mga Komento Noong Marso 2016 para sa Opisina ng Karapatang-ari ng Estados Unidos, ukol sa Seksyon 512 ng DMCA
- Mga Komento noong Pebrero 2016 para sa Opisina ng Karapatang-ari ng Estados Unidos, ukol sa Seksyon 1201 ng DMCA
- Mga Komento noong Disyembre 2015 para sa Komisyon ng Europa
- Mga Komento noong Oktubre 2015 para sa IPEC ng Estados Unidos
- Mga Komento noong Setyembre 2015 pata sa Pamahalaan ng Timog Africa
- Sulat noong Marso 2015 para sa Kongreso ng Estados Unidos
- Pagsumite sa Pamahalaan ng Australya noong Setyembre 2014
- Mga Komento noong Pebrero 2014 para sa Komisyon ng Europa
- Mga Komento noong Oktubre 2013 para sa PTO/NTIA
Para sa karagdagang impormasyon at ang mga mismong nilalaman ng mga sulat at komento, maaaring tumungo sa Mga komento at sulat ukol sa mga polisiya.
[/expand]
[expand title=”Paghain ng mga pahayag na Amicus Curiae sa mga kasong nauukol sa batas ng Estados Unidos tungkol sa karapatang-ari, patas na paggamit, at malayang pagpapahayag sa Internet”]
- Star Athletica laban sa Varsity Brands
- Amicus Brief noong Hulyo 2016
- Lenz laban sa Universal
- Amicus Brief noong Setyembre 2016
- Amicus Brief noong Oktubre 2015
- Amicus Brief noong Disyembre 2013
- Capitol Records laban sa Vimeo
- Amicus Brief noong Hulyo 2014
- Cindy Lee Garcia laban sa Google atbp.
- Amicus Brief noong Nobyembre 2014
- Amicus Brief noong Abril 2014
- Fox laban sa Dish & Dish laban sa ABC
- Amicus Brief noong Enero 2014
- Amicus Brief noong Enero 2013
- Salinger laban sa Colting
- Amicus Brief noong Agosto 2009
Para sa karagdagang impormasyon at ang mga nilalaman ng mga pahayag na Amicus Curiae, maaring tumungo sa Mga pahayag na Amicus Curiae sa mga kasong may kinalaman sa batas ng Estados Unidos ukol sa karapatang-ari, patas na paggamit, at malayang pagpapahayag sa Internet.
[/expand]
[expand title=”Paghain ng mga pahayag na Amicus Curiae ukol sa mga kasong may kinalaman sa batas ng karapatang maglathala sa Estados Unidos”]
- De Havilland laban sa FX
- Amicus Brief noong Enero 2018
- Cross laban sa Facebook
- Amicus Brief noong Enero 2017
- Davis laban sa Electronic Arts
- Amicus Brief noong Nobyembre 2015
- Amicus brief noong Enero 2015
- Hart laban sa Electronic Arts
- Amicus Brief noong Mayo 2012
Para sa karagdagang impormasyon at ang mga orihinal na pahayag, maaaring tumungo sa Mga pahayag na Amicus Curiae ukol sa mga kasong may kinalaman sa batas ng karapatang maglathala sa Estados Unidos.
[/expand]
[expand title=”Pagtutol sa pagtala ng mga tatak-pangkalakal na nagpapahayag ng pribadong pagmamay-ari ng fandom”]
- Petisyon upang bawiin ang tatak na FANDOM
Para sa karagdagang impormasyon at ang mismong mga sulat at komento, maaaring tumungo sa Pagtutol laban sa pagtala ng mga tatak-pangkalakal.
[/expand]
Kung nais makipag-ugnayan sa Batasang Komite ng OTW, magpadala lamang ng e-mail.
(Malugod na tinatanggap ng Batasang Komite ang inyong mga komento at katanungan. Ngunit, unawain lamang na ang pakikipag-ugnayan sa Batasan ay hindi agad maituturing na “attorney-client relationship” (ugnayan sa pagitan ng abogado at kliyente), maliban na lamang kung ito ay nakasaad sa isang sulat o kontrata. Limitado rin ang aming kakahayang sumagot sa mga katanungan ukol sa mga ligal na sistema sa mga bansa kung saan ang pangunahing wika ay hindi Ingles. Ngunit malugod kaming magbibigay ng impormasyon!)