Kampanya para sa Oktubre 2021: Mula sa mga Tagahanga, Para sa mga Tagahanga

Isang produkto ng pagmamahal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha). Nilikha ito ng mga tagahanga, para sa mga tagahanga. Isa kaming di-pangkalakal na organisasyon, at 100% kaming umaasa sa mga donasyon: ang donasyon ng oras mula sa aming mga boluntaryo, at ang donasyon ng pananalapi mula sa mga komunidad na aming pinagsisilbihan. Ngayon ang simula ng aming tuwing-anim na buwan na kampanya sa pagiging kaanib, kung kailan hinihiling namin sa mga taong may kaya na isaalang-alang na gumawa ng pinansyal na kontribusyon upang suportahan ang aming gawain. Maaari mong basahin kung paano namin ginagastos ang aming salapi sa aming badyet.

Sinusuportahan ng iyong mga donasyon sa OTW ang aming gawain sa lahat ng aming mga proyekto: mula sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) hanggang sa Fanlore; mula sa aming pang-akademikong pahayagan, Transformative Works and Cultures – TWC (Nagbabagong Katha at Kultura), hanggang sa aming proyekto sa pagsagip sa mga hangang-katha Open Doors at ang pandaigdigang adbokasiya para sa mga nagbabagong katha ng aming Ligal na komite. Mas direktang nakikinabang rin ang mga nagkaloob ng donasyon. Sa pagbibigay ng isahang donasyon na US$10 o higit pa, maaari kang pumili na kumuha ng taunang pagkakaanib sa OTW, na nagbibigay sa iyo ng karapatang bumoto para sa aming Lupon ng mga Tagapangasiwa sa eleksyong isinasagawa namin sa Agosto taun-taon.

Makakatanggap rin ang mga miyembro ng isang digital na icon na maaaring gamitin sa iyong profile sa AO3 o social media; at magiging karapat-dapat ang mga nagpapanatili ng kanilang pagiging kaanib sa OTW ng tatlo, lima, o sampung taonpara sa natatanging mga regalong pangunita. Alamin ang higit pa tungkol sa pagiging kaanib at pagboto rito.

Maaaring pumili mula sa ilan sa mga regalo ng pasasalamat ang mga nagkaloob ng donasyon na US$40 o higit pa. Bago sa taong ito ang isang limitadong edisyong kulay puting tumbler ng OTW, at isang panibagong hanay ng sticker. Kung hindi mo kayang magbigay ng ganitong kalaking donasyon, huwag mag-alala: narito kami para sa iyo. Maaari mong piliing gumawa ng isang umuulit na donasyon sa antas na mainam sa iyo at ipaalam sa aming pangkat ng Pagpapaunlad at Kaaniban kung aling gantimpala ang nais mong pag-ipunan. Kapag umabot na ang iyong donasyon sa karapat-dapat na antas, ipapadala nila ang iyong regalo.

Isang rehistradong di-pangkalakal ang OTW sa Estados Unidos, at maaaring samantalahin ng mga nagkaloob ng donasyon sa bansang ito ang pagtutugma na pamamaraan ng pagbibigay mula sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. Mangyaring isaalang-alang ang pakikipag-usap sa iyong pinagtatrabahuhan para malaman kung posible ito para sa iyo!

Kung hindi ka makagagawa ng donasyon sa panahong ito, mangyaring ibahagi ang paskil nito sa iba, at nais naming iparating sa iyo na pinahahalagahan namin ang iyong suporta sa anumang paraan na iyong ibinibigay. Maraming salamat sa iyong salapi, iyong oras, at iyong pagmamahal. Wala kami kung wala ito!

Event

Comments are closed.