Lumilikha ang mga tagahanga ng maraming kathang multimedia, kabilang ang fan art, mga vid, mga musikang vid para sa anime, politikal na remix, mga fan film, mga fan trailer, machinima, podfic, mga audiobooks, at iba pa. Sinisiguro ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na napapangalagaan at napapanatili ang kasaysayan ng mga kathang ito, at nakalaan ang aming mga proyekto para sa Fan Video at Multimedia sa pagbibigay ng impormasyon at kasangkapan sa mas malawak na komunidad ng fan video, at upang makatulong na magpaliwanag at i-ugnay ang mga kathang ito sa mundo.
Fan Video Roadmap (Roadmap ng Fan Video)
Isang gabay ang Roadmap ng Fan Video sa mga pinaplanong katangian at serbisyo ng OTW ukol sa mga video, kabilang ang aming planong tuluyang maisama ang video sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).
Mga Kasangkapan para sa mga manlilikha ng Fan Video
Naglalaman ang mga sumusunod na pahina ng impormasyong inaasahan naming magiging kapaki-pakinabang sa mga manlilikha ng fan video. Kung mayroon kang mungkahi o payo para sa isang pahinang dapat naririto, o panibagong suhestiyon o pagwawasto sa mga pahinang naririto na, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
- Mga Pagpipilian para sa Pag-host ng Video Streaming
- Isang Mabilisang Panuto sa Paglalagay ng Video sa AO3
- Paano Mag-stream ng Video galing sa Iyong Sariling Site
- Paano Tunggaliin ang Pag-aalis ng Iyong Gawa sa Youtube, o Maghain ng isang DMCA Counternotice: Pupunta ang link na ito sa mabisang Panuto sa Naalis na Gawa sa Youtube sa FairUseTube.org. Maaari ring makipag-ugnayan sa aming mga grupo para sa komunikasyon o ligal.
- Paano Magdagdag ng Mga Subtitle at Salin sa Iyong Mga Video
Mga Kasangkapan para sa mga Iskolar ng Fan Video
- Bibliograpiya ng Fan Video: pinangangasiwaan sa Zotero.
- Pang-istilong Panuto sa mga Hangang-Katha: paano magbigay ng pagkilala sa mga fan video (at ibang mga pang-iskolar na katha) sa mga pang-akademikong konteksto.
- Vidding (2008), isang dokumentaryong ginawa ng OTW para sa proyekto ng New Media Literacy ng MIT.
- Dokumentaryo ukol sa Vidding (2011), gawa ni Abigail Christensen
- Pang-iskolar na Archive ng Mga Multimedia na Katha (parating na): Isang sinupan ng mga fan video na tinalakay sa mga pang-iskolar na lathala: magbibigay din kami ng isang tunguhan para sa mga iskolar na may balak maglathala, upang magkaroon ang mga lathalain at libro sa hinaharap ng pirmihang sanggunian at talababa.
Mga Proyekto Ukol sa Kasaysayan ng Vidding
Mayroong ligal at pang-iskolar na kadalubhasaan ang OTW sa paglikha ng fan video mula sa midyang live-action. Layunin ng aming mga proyekto sa Vidding History (Kasaysayan ng Vidding) na magbigay-serbisyo sa komunidad ng vidding, at magpaliwanag at i-ugnay ang vidding sa mundo. Kasama sa aming mga kasalukuyang proyekto ang: Vidding Oral History Project (Proyekto ukol sa Pasalitang Kasaysayan ng Vidding), Test Suite of Fair Use Vids, at Vidding (2008), isang dokumentaryong ginawa ng OTW para sa proyekto ng New Media Literacy ng MIT. Nauukol rin ang karamihan sa ligal na gawain ng OTW sa vidding. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumungo sa aming pahina ukol sa Legal Advocacy (Ligal na Pagtataguyod).
The Dark Archive (Dilim na Archive)
Layunin ng dilim na archive na mag-imbak at protektahan ang mga vid. Hindi online at hindi rin mabilis na mabubuksan ang archive na ito. Maaaring basahin ang Roadmap ng Fan Video para sa karagdagang impormasyon.
Torrent of Our Own (Aming Sariling Torrent)
Magiging isang pribadong tracker Ang Aming Sariling Torrent para sa mga nagbabagong hangang-katha na lehitimong magagamit, kasama na ang: mga vid, mga fan trailer, fan art, mga pdf ng mga pahayagan, mga AMV, politikal na remix, machinima, at iba pang nagbabagong digital na hangang-katha. Basahin ang Roadmap ng Fan Video para sa karagdagang impormasyon.