Makipag-ugnayan sa Mga Boluntaryo at Pangangalap gamit ang form para sa pakikipag-ugnayan at malugod naming sasagutin ang iyong mga katanungan, kadalasan sa loob ng isang linggo. (Kung magpapadala ng katanungan na hindi nasa wikang Ingles, maaaring madagdagan ng isa pang linggo bago kami makasagot.)
Group: Pagboboluntaryo
Babayaran ba ako para sa pagboboluntaryo?
Hindi, walang sinuman sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ang tumatanggap ng kabayaran.
Nagpasa ako ng aplikasyon pero wala akong natanggap na sagot. Ano ang dapat kong gawin?
Dapat lahat ng aplikasyon ay makatanggap ng awtomatikong sagot na nagpapaliwanag sa mga susunod na hakbang sa proseso. Upang siguraduhing naipadala ito, siguraduhing aprobado ng iyong account ang mga email mula sa *@transformativeworks.org.
Kung hindi mo natanggap ang awtomatikong sagot sa loob ng 48 oras, pakitingnan ang iyong spam filter at padalhan ng e-mail ang volunteers@transformativeworks.org – kasama ang posisyong iyong inaplayan at ang pangalang ginamit sa aplikasyon.