Blog archives
Bakit hindi naghahanda ang TWC ng PDF ng mga kasulatan nito?
Sapagkat ang Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura) ay isang pangmaramihang-medya na pahayagan na naglalathala ng mga screen shot, nagpapaloob ng mga video, at gumagamit ng mga kawing, kinakailangang mailathala ang pahayagan online. Hindi wastong nagagaya ng mga PDF ang interactive na karanasan ng pahayagan. Karagadagan dito, sapagkat ang karapatang-ari na ginagamit ng TWC ay nasa ilalim ng Creative Commons Attribution 4.0 International License, maaaring naisin ng mga tagahanga na ibahin ang pahayagan sa paglilikha ng PDF ng mga nilalaman at ipamahagi ito sa lahat. Hangga’t makakabigay ang dokumento ng mga URL sa orihinal na pinagmulan, at hangga’t hindi humihingi ng… Read more
Anong karapatang-ari ang ginagamit ng TWC?
Simula sa Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura) Bilang 25, lisensyado ang mga sanaysay sa ilalim ng Creative Commons Attribution 4.0 International License. Para sa paliwanag ng katwiran ng pahayagan, mangyaring basahin ang editoryal noong ika-15 ng Setyembre, 2017, Copyright at Open Access. Pinapayagan ng lisensyang ito ang di-pangkalakal at kalakal na paggamit nang may pagpapalagay. Dahil dito, hindi makakakuha ng mga papeles sa paglabas ng karapatang-ari ang mga institusyon, tulad ng mga pahayagan, na nais mag-imprenta muli ng mga artikulo (kahit na para sa layuning pangkalakal). Lisensyado ang TWC Bilang 1 hanggang 24 sa ilalim ng Creative Commons Attribution-Noncommercial 3.0… Read more
Ano ang uri ng mga bagay ang inilalathala ng TWC?
Inilalathala ngTransformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura) ang mga nasuring kasulatang pang-akademiko ukol sa kaibahan ng pakikitungo ng mga tagahanga sa iba’t-ibang uri ng teksto, at ukol sa mga komunidad ng mga tagahanga; mga kasulatan ukol sa meta na sinuri ng mga tagapatnugot at personal na sanaysay; pagsusuri ng mga libro; at mga panayam.
Paano ako makakapagsumite sa TWC?
Makikita ang mga detalyadong patnubay ukol sa pagsumite online sa website ng Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura). Malugod naming tinatanggap ang inyong mga gawa hangga’t sumusunod ang inyong kontribusyon sa pokus at saklaw ng TWC.
Gaano kadalas inilalathala ang TWC?
Inilalathala ang Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura) dalawang beses sa isang taon, sa ika-15 ng Marso at ika-15 ng Setyembre.