Blog archives
Ano ang Fanlore?
Ang Fanlore ay isang wiki — isang website na maraming mga may-akda — kung saan maaaring mag-ambag ang kahit sinong tagahanga. Ang aming kasalukuyang layunin ay itala ang makasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng mga komunidad ng mga tagahanga — mga hangang-katha, hangang-aktibidad, terminolohiya ng mga tagahanga, indibiduwal na tagahanga, at mga pangyayaring fannish. Para sa karagdagang impormasyon, maanong tumungo sa website ng Fanlore at sa Fanlore FAQ (mga palagiang katanungan).
Ano ang saklaw ng wiki ng Fanlore?
Kasama sa saklaw ng Fanlore ang samu’t-saring mga fandom at iibahing hangang-katha. Hangad naming itampok ang mga kontribusyon mula sa malawak na hanay ng mga tagahanga habang ibinabahagi nila ang kanilang mga karanasan ukol sa kasaysayan ng kani-kanilang mga fannish na komunidad.
Pag-uugnayin ba ninyo ang mga tagahangang identidad at mga tunay na identidad ng mga tao sa wiki ng Fanlore?
Hindi. Ang Fanlore ay mayroong patakaran ukol sa pagkakalinga ng mga pagkakakilanlan na sinisiguradong magkahiwalay ang mga sagisag-panulat na kaugnay sa kanilang pagiging tagahanga mula sa kanilang mga tunay na pangalan, kung gugustuhin nila. Dagdag pa rito, ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ay nakatuon sa pangangalaga sa pagkapribado ng mga tagahanga, sila man ay tagagamit ng aming mga serbisyo o hindi. Kung ang isang pagbabago ay ginawa sa wiki na inuugnay ang iyong pagkakakilanlan sa tunay na buhay sa iyong fannish na pagkakakilanlan ng walang iyong pahintulot, maanong makipag-ugnayan sa Fanlore at makikipagtulungan sa iyong resolbahin ang isyung ito.
Ano ang gagawin ko kung sa tingin ko’y may mga artikulo o impormasyong kulang?
Lahat ng mga tagahanga at interesadong tao ay inaanyayahang mag-ambag sa Fanlore sa pamamagitan ng paggawa ng mga artikulo o pagdaragdag ng impormasyon sa mga pahinang naroroon na. Alinmang pag-aambag na gagawin mo para sa pangangalaga ng kasaysayang fannish ay katanggap-tanggap.
Nais kong baguhin ang isang pahina sa Fanlore, pero hindi ko alam kung paano. Tulong!
Kami ay nasasabik na tumanggap ng bagong mga tagapatnugot sa Fanlore, at marami kaming mga kasangapan makakatulong sa iyong magsimula. Simulan sa aming mga Tip para sa Pagbabasa ng Fanloreat sa Panimulang Panuntunan sa Pamamatnugot, at siguraduhin pasadahan ang aming mas delyadong pahina ukol rito. Nanaisin mo ring aralin ang aming mga patakaran. Kapag nagsimula ka nang mamatnugot, ang Cheatsheet para sa Pamamatnugot ng Fanlore ay isang di-matatawarang rekurso – gayon din itong listahan ng mga template na palaging ginagamit sa wiki. Kung kinakailangan mo ng karagdagang tulog, maaari kang makipag-ugnayan sa aming mga hardinero para sa tulong tungkol sa pamamatnugot, alinmang oras. Ang mga… Read more