Blog archives
Ako ay nagpapatakbo ng artsibo na nais kong ilipat/i-back up sa AO3. Ano ang dapat kong gawin?
Makipag-ugnayan lamang sa Open Doors para ma-access ang iyong importer tool. Huwag mag-atubiling ipaalam sa amin agad kung mayroon kang mga espesyal na pangangailangan — halimbawa, kung nais mong kami ang pumalit sa pagpapanatili ng iyong lumang domain, o kung ang iyong artsibo ay naglalaman ng mga kathang multimedia.
Paano makakakuha ng account sa AO3?
Ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay naging open beta noong Nobyembre 2009. Para gumawa ng account, kailangan mo ng paanyaya. Kami ay gumagamit ng sistema ng mga bilyete ng paanyaya upang lumaki ang AO3 sa isang kontroladong paraan. Kailangang unti-unting magdagdag ng mga bagong tagagamit upang hindi lumobo ang dami ng ating mga account nang higit sa kakayahan ng aming hardware, bandwidth, tulong at suporta. Nakatutulong ito sa amin na tiyaking lahat ng gumagamit ng AO3 ay makakukuha ng pinakamaginhawang karanasan. Kapag natanggap mo na ang email ng paanyaya, magtungo sa kawing na nakasulat sa email upang makapunta sa pahina… Read more
Sinusubukan bang palitan ng OTW ang lahat ng ibang artsibo?
Hindi. Sa katunayan, nais naming gamitin ng iba pang mga tagahanga ang aming software na pang-artsibo, na magiging malayang gamitin at baguhin, para makalikha sila ng sarili nilang mga artsibo. Sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), nais naming lumikha ng artsibong multi-fandom na may mahusay na kapasidad at mga patakarang pwedeng ayusin at ilapat, na tatagal at angkop para sa mga tagahanga. Nais naming maging depositong-aklatan ng mga fandom, isang espasyo kung saan maaaring i-back up ng mga tao ang kanilang mga katha o proyekto, na may pirmihang mga kawing. Hindi namin nais maging eksklusibong espasyo kung saan dito lamang ipapaskil… Read more
Bakit ang tagal gawin ng software ng artsibo?
Hindi simple ang proseso ng pagbuo sa isang artsibo na tulad ng hinahangad ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha). Hindi kami nagtataguyod ng isang artsibo gamit ang software na mayroon na, kundi kami ay gumagawa ng bago at malayang-magagamit na software na pang-artsibo na idinisenyo ayon sa mga pangangailangan ng mga tagahanga, upang ito ay madaling panatilihin at gamitin muli, na kaya ring pangalagaan ang posibleng milyun-milyong kuwento mula sa ilang daang-libong mga sabay-sabay na tagagamit. Ang trabahong ito ay ginagawa ng isang grupo ng mga boluntaryo, kabilang ang grupo ng mga boluntaryong baguhang natututong magsulat at magpanatili ng code, upang makatulong sa pagbuo… Read more
Sino ang kumikita mula sa AO3? Kailangan bang magbayad ng mga gumagamit?
Walang sinuman, kabilang ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) bilang isang organisasyon, ay kumikita mula sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) o mula sa mga nilalaman nito; sa katunayan, ang kabaligtaran nito ang totoo dahil ang OTW ang nagbabayad upang pangalagaan ang AO3. Wala kaming ipinapakitang patalastas. Sa halip, kami ay gumagawa ng mga pampubliko at mala-radyong kampanya upang humingi ng suporta mula sa mga tagagamit. Kailanman ay walang donasyon na ipipilit sa mga tagagamit ng AO3 o sa mga kaakibat na kagamitan nito.