Ang mga tagasalin ng OTW (Organisasyon ng Ibahing-Katha) ay may dalawang baitang: ang mga kawani ng Pagsasalin at ang mga koponan ng wika. Inaayos ng mga kawani ang mga trabahong pagsalin at ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga komite. Magkakaiba ng laki ang mga koponan ng mga wika (na basta’t mayroong kahit isang tagasalin at isang tagawasto), at binubuo ng mga boluntaryo na katutubo sa isang wika o matatas sa ibang wika maliban sa Ingles.
Bukod sa website na ito, tumutulong rin ang mga tagasalin na gawing akma sa pandaigdigang madla ang ibang mga proyekto ng OTW tulad ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).