Makabibili ba ako ng pagkamiyembro para iregalo sa iba?

Upang masiguro na tunay na tao ang lahat ng miyembrong bumuboto sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), at makapagsagawa ng patas na halalan, hindi namin pinapayagan ang pagreregalo ng pagiging miyembro. Ineengganyo ang mga tagatangkilik sa pagbibigay ng donasyon para sa iba gamit ang aming form, ngunit hindi magbibigay ng karapatang bumoto o ng pagkamiyembro ang mga donasyon na ito.