Maaari ba akong makapagbigay ng donasyon na naka-tseke? Kanino ko ito dapat ipadala?

Oo, kung ikaw ay nakatira sa Estados Unidos. Sa kasamaang-palad, hindi kami maaaring tumanggap ng mga tseke mula sa labas ng Estados Unidos sa kasalukuyan. Punan lamang ang aming form para sa mga donasyon, piliin ang opsyon na nagsasabing “I will send payment by check” (Ipapadala ko ang bayad gamit ang tseke), at ipadala ang iyong tseke sa:

Organization for Transformative Works, Inc.
228 Park Ave S #18156
New York, New York 10003-150
USA

Maaring abutin ang mga donasyong naka-tseke ng tatlong linggo bago mai-deposito. Kung may mga katanungan ka, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Komite ng Pagsulong at Kaaniban.