Halos lahat ng bansa ay mayroong mga eksepsyon sa mga karapatang-ari para sa iba’t ibang dahilan. Sa Europa, mas kilala ito bilang “mainam o tamang pakikitungo.” Nagkakaiba ang mga bansa sa kanilang pagturing sa nasasaklawan ng karapatang-ari at sa mga eksepsyon dito.
Halimbawa, sa Canada, hindi kinikilala ang parodya bilang depensa sa paglabag ng karapatang-ari, ngunit maaari itong ituring na mainam o tamang pakikitungo sa tamang sitwasyon. Limitado naman ang proteksyon ng Australia pagdating sa kalayaan ng komunikasyon. Ang Pagsusuri ni Gowers sa Intelektwal na Pagmamay-ari sa United Kingdom ay inaasahang magdulot ng pagbabago sa mga batas ng United Kingdom tungkol sa parodya at makabagong paggamit.
Sa madaling salita, magulo ang usapan. Lagi itong nagbabago.