Ano nga ba ang mainam o tamang paggamit?

Ang mainam o tamang paggamit ay ang karapatang makigamit ng mga materyal na nasa ilalim ng karapatang-ari nang walang paunang pahintulot o kabayaran. Ito ay isang pangunahing limitasyon sa batas ng karapatang-ari na nangangalaga sa malayang pagpapahayag. Sa Amerika ginagamit ang terminong “tamang paggamit,” ngunit lahat ng mga batas ukol sa karapatang-ari ay may mga limitasyon para hindi ito maging pribadong pagsesensura.

Pinapaboran ng tamang paggamit ang mga paggamit na: (1) hindi pang-komersyal at hindi ibinebenta para kumita; (2) ibahin, kumbaga’y nagdaragdag ng panibagong kahulugan o mensahe sa orihinal; (3) limitado, kumbaga’y hindi kinokopya ang kabuuan ng orihinal; at (4) hindi pinapalitan ang orihinal na katha. Bagama’t walang nag-iisang batayan sa mga ito na kritikal sa pagsabing patas ang paggamit, nakatutulong pa rin ang mga ito, at naniniwala kami na ang mga hangang-katha katulad ng mga nasa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay sumusunod sa tamang paggamit, base sa lahat ng batayang nabanggit.

Comments are closed.