Ano ang inyong mga plano para sa panunubok ng isang kaso?

Wala kaming balak na manubok ng isang kaso. Ang pinagtutuunan namin ng pansin ay ang pakikipag-ugnayan sa mga grupong may ligal na adbokasiya tulad ng EFF. Hinahasa rin namin ang aming sariling mga eksperto.

Isa sa mga pinaka-nakasasabik at kapaki-pakinabang na pangyayari ay ang pagtataguyod ng “best practices” (mga pinakamainam na pagsasagawa), mga prinsipyo at proseso na nagtatakda kung ano ang maitatawag na mainam o tamang paggamit, base sa pagsusuri ng isang komunidad ng mga malikhaing tagagamit. Kayang ipagtanggol ng mga pagsasagawang ito ang karapatan ng mainam o tamang paggamit nang hindi nagsasampa ng kaso—sumangguni sa pahayag ukol sa mga pinakamainam na pagsasagawa ng mainam o tamang paggamit. Ipinagtatanggol namin na, una sa lahat, ang mga hangang-katha na di-pangkalakal at nakapag-iiba ay kabilang sa mainam o tamang paggamit, tulad ng mga gumagawa ng mga pelikulang dokumentaryo na mayroon ding mga mainam na pagsasagawa at nakapagtatrabaho nang hindi nag-dedemandahan.

Comments are closed.