Fanlore

Upang pangalagaan ang kasaysayan ng mga ibahing katha at ng mga fandom na kanilang pinanggalingan, itinatag ng OTW (Organisasyon Para sa Ibahing Katha) ang Fanlore, ang sarili nitong wiki. Inilunsad ang bersyong beta ng Fanlore noong Setyembre 2008, at ang opisyal na bersyon nito noong Disyembre 2010. Noong Enero 2019, higit sa 46,000 na pahina ang nilikha sa Fanlore, na may higit sa 830,000 na pagbabagong ginawa ng higit sa 35,000 na mga rehistradong tagagamit.

Nagsisilbing salig ang Fanlore kung saan maaaring itala ng mga tagahanga ang kanilang mga pagkakaunawa ng at karanasan sa fandom, sa nakalipas at kasalukuyan. Buhay na sisidlan ang mala-ensiklopedyang sanggunian na ito ng kasaysayan ng fandom na mapapakinabangan ng mismong mga tagahanga. Sinisikap nitong maitala ang mga nakaraang kaganapan sa fandom, at mapanatili ang mga kasalukuyang pagtatalakay at debate para sa panghinaharap na pag-aaral sa pamamagitan ng pagtala ng kasaysayan habang nagaganap ito. Nagbibigay din ito ng konteksto para sa panlabas na media, mga akademiko, at mga baguhan sa fandom, na nakaayos para mapamahalaan ng mga tagahanga ang pagsasalarawan sa kanila.

Likha ng mga tagahanga ang nilalaman ng Fanlore. Inaanyayahan ang kahit sinong tagahanga na sumali sa proyekto at makibahagi sa nilalaman ng wiki. Hinihikayat ang mga tagahanga na lumahok sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong lathala, pagdagdag ng detalye sa mga pahina, o pagpapahayag ng kanilang sariling pananaw para payamanin, talakayin, o palawakin ang pagkakaunawa ng mga paksa. Nagsasagawa ang ilang mga patnugot sa Fanlore ng mga partikular na prokyektong pamamatnugot, tulad ng media fanzine (pahayagang likha ng tagahanga), kung saan libu-libong mga pahina ang nalikha. Nagtatanghal din ang Fanlore ng mga malimit na hamong pamamatnugot, tulad ng taunang April Showers. Binabantayan ng mga hardinero ang mga pinakahuling pagbabago upang masiguro ang maayos na pagkakasama-sama nito at magbigay-tulong sa aming mga kalahok na tagahanga. Sadyang hindi natatapos ang paglikha sa wiki, at sinusuportahan, ginagabayan at pinapaunlad ito ng komite ng Fanlore kung saan kinakailangan.

Sakop ang lahat ng orihinal na nilalaman ng isang Creative Commons license; maaaring gumawa ng mga kopya ang kahit sino para ilagay sa ibang mga website. Binuo ang wiki gamit ang open-source software.

Mahahanap ang karagdagang detalye tungkol sa Fanlore sa FAQ sa website ng OTW at pati sa FAQ ng Fanlore.

Makukuha ang mga balita sa Fanlore mula sa Twitter, Tumblr, at Dreamwidth.