Posts by Retired Personnel

Kampanya para sa Oktubre 2021: Maraming Salamat sa Iyong Suporta

Tapos na ang Kampanya sa Pagiging Kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) para sa Oktubre, at nasisiyahan kaming sabihin na nakalikom kami ng isang nakakagulat na kabuuang halaga na umaabot sa US$195,009.65, higit nitong nalampasan ang aming inaasahang kabuuan na US$40,000. Tumaas din ang bilang ng ang aming mga miyembro sa 4,786. Naging posible ang mga ito dahil sa kabutihang-loob ng 6,700 na tao na nagkaloob ng donasyon mula sa 77 na bansa sa buong mundo. Patuloy kaming lubos na nagpapasalamat sa aming pandaigdigang komunidad. Maraming salamat! Ang inyong suporta ang nagpapahintulot sa aming patuloy na pagseserbisyo sa aming layunin: upang mas mapalawak… Read more

Kampanya para sa Oktubre 2021: Mula sa mga Tagahanga, Para sa mga Tagahanga

Isang produkto ng pagmamahal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha). Nilikha ito ng mga tagahanga, para sa mga tagahanga. Isa kaming di-pangkalakal na organisasyon, at 100% kaming umaasa sa mga donasyon: ang donasyon ng oras mula sa aming mga boluntaryo, at ang donasyon ng pananalapi mula sa mga komunidad na aming pinagsisilbihan. Ngayon ang simula ng aming tuwing-anim na buwan na kampanya sa pagiging kaanib, kung kailan hinihiling namin sa mga taong may kaya na isaalang-alang na gumawa ng pinansyal na kontribusyon upang suportahan ang aming gawain. Maaari mong basahin kung paano namin ginagastos ang aming salapi sa aming badyet.

25 Bagay na Dapat Malaman Tungkol sa OTW

Marami sa inyo ay marahil baguhan sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) habang ang ilan sa inyo ay sinusubaybayan ang aming progreso mula pa ng inilunsad namin ito noong 2007. Gayunpaman, umaasa kaming mayroon kayong mga bagong natutuklasan tungkol sa amin ngayong buwan na ito. Dahil malayo-layo pa ang susunod naming malaking anibersaryo, narito ang 25 bagay tungkol sa aming organisasyon na maaari mong malaman ngayon na!

2017 Kronolohiya ng Halalan ng OTW at Takdang Oras ng Pagkamiyembro

Malugod na ibinabalita ng komite ng Halalan ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na nakapaksil na ang kronolohiya para sa halalan ng 2017! Mayroong mga pagbabago sa kronolohiya ngayong taon. Upang maiwasang magkasabay ito sa ibang mga pangyayari sa OTW, mas maagang itinakda sa taon ang halalan. Sinimulan ang pagbabagong ito noong nakaraang taon, kung kailan ginanap ang halalan sa huling bahagi ng Septiyembre. Ngayong taon ito ay ililipat sa Agosto, kung saan inaasahan itong manatili sa nalalapit na hinaharap. Gaganapin ang halalan ngayong taon mula ika-11 hanggang ika-14 ng Agosto. Dahil dito, malilipat din ang takdang oras ng rehistrasyon upang maging miyembro. Tulad… Read more

Isang Milyong Rehistradong Tagagamit Ay Naabot ng AO3!

Ikinatutuwang ibalita ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ang isa pang tagumpay para sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan): isang milyong rehistradong tagagamit! Ang AO3 ay itinatag sa pagnanais na magkaroon ng isang lugar na pinamamahalaan ng mga tagahanga kung saan maaring iimbak ang mga hangang-katha ng walang impluwensiyang pangkomersyal o limitasyon sa nilalaman. Inabot ng dalawa’t kalahating taon mula sa pansimulang ideyang iyon patungo sa Open Beta, ngunit noong ika-14 ng Nobyembre 2009, nag-umpisang magbukas ng mga account sa AO3 ang mga miyembro ng publiko. Nagsimulang lumago ang AO3, pati rin ang mga tagumpay na natamo. Nakamit natin ang… Read more