Kampanya sa Pagiging Kaanib ng Organisasyon para sa Nagbabagong Katha, mula ika-15 hanggang ika-17 ng Oktubre, 2021

Kampanya para sa Oktubre 2021: Maraming Salamat sa Iyong Suporta

Tapos na ang Kampanya sa Pagiging Kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) para sa Oktubre, at nasisiyahan kaming sabihin na nakalikom kami ng isang nakakagulat na kabuuang halaga na umaabot sa US$195,009.65, higit nitong nalampasan ang aming inaasahang kabuuan na US$40,000. Tumaas din ang bilang ng ang aming mga miyembro sa 4,786. Naging posible ang mga ito dahil sa kabutihang-loob ng 6,700 na tao na nagkaloob ng donasyon mula sa 77 na bansa sa buong mundo. Patuloy kaming lubos na nagpapasalamat sa aming pandaigdigang komunidad. Maraming salamat! Ang inyong suporta ang nagpapahintulot sa aming patuloy na pagseserbisyo sa aming layunin: upang mas mapalawak ang interes ng mga tagahangang aming kinakatawan sa pamamagitan ng pagbibigay akses sa at pagpapanatili ng kasaysayan ng mga hangang-katha at kultura ng tagahanga sa lahat ng anyo nito. Read More

Kampanya sa Pagiging Kaanib ng Organisasyon para sa Nagbabagong Katha, mula ika-15 hanggang ika-17 ng Oktubre, 2021

Kampanya para sa Oktubre 2021: Mula sa mga Tagahanga, Para sa mga Tagahanga

Isang produkto ng pagmamahal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha). Nilikha ito ng mga tagahanga, para sa mga tagahanga. Isa kaming di-pangkalakal na organisasyon, at 100% kaming umaasa sa mga donasyon: ang donasyon ng oras mula sa aming mga boluntaryo, at ang donasyon ng pananalapi mula sa mga komunidad na aming pinagsisilbihan. Ngayon ang simula ng aming tuwing-anim na buwan na kampanya sa pagiging kaanib, kung kailan hinihiling namin sa mga taong may kaya na isaalang-alang na gumawa ng pinansyal na kontribusyon upang suportahan ang aming gawain. Maaari mong basahin kung paano namin ginagastos ang aming salapi sa aming badyet. Read More