Posts by Priscilla

OTW Panauhing Paskil: Henry Jenkins

Paminsan-minsan, ang OTW (Organisasyon ng Ibahing Katha), ay magkakaroon ng panauhing paskil sa Balitang OTW. Ang mga panauhing ito ay magbibigay ng mga panlabas na pananaw tungkol sa OTW o mga aspeto ng fandom kung saan ang aming mga proyekto ay maaaring may kinalaman. Ipinapahayag ng mga paskil ang personal na pananaw ng bawat maykatha at maaaring hindi naglalarawan ng pananaw o ng patakaran ng OTW. Malugod kaming tumatanggap ng mga mungkahi mula sa mga tagahanga para sa mga susunod na panauhing paskil. Maaaring mag-iwan ng komento dito o makipag-ugnayan sa amin. Si Henry Jenkins ay isa sa mga pinakakilalang iskolar ng medya na nag-aaral… Read more

Ipinagdiriwang ng AO3 ang Pagkakaroon ng 25,000 na Fandom!

Masayang ibinabalita ng mga Tag Wrangler na nakamit na natin ang milyahe ng pagkakaroon ng 25,000 na fandom sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan)! Ito ay matapos lamang natin maabot ang 3 milyong hangang-katha noong Abril at 1 milyong tagagamit noong Oktubre. Dati nang lubusang malikhain ang mga tagagamit ng AO3. Sa mga nakalipas na taon ay marami na tayong nakamit na milyahe sa fandom, gaya ng sumusunod: 5,000 na fandom noong Araw ng Bagong Taon, 2010 10,000 na fandom noong Setyembre, 2012 15,000 na fandom noong Abril, 2014 20,000 na fandom noong Disyembre, 2015 Mayroon ka bang natuklasang mga di-gaanong… Read more