Posts by Priscilla
Pananalapi ng OTW: Pagbabago sa Badyet sa Taong 2021
Ngayong 2021, ipinagpatuloy ng pangkat ng Pananalapi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ang gawain nitong siguraduhing binabayaran ng organsisayon ang mga bayarin nito, naisumite ang tamang buwis, at nasunod ang mga pamantayan ng pagtutuos ng salapi. Nagpapatuloy ang paghahanda para sa pagsusuri ng mga pahayag sa pananalapi para sa 2020! Samantala, masigasig na nagtatrabaho ang pangkat sa pagbabago sa badyet sa taong 2021 at masaya nila itong ipinakita rito (tingnan ang spreadsheet ng badyet sa taong 2021 para sa karagdagang detalye):
Kampanya Ngayong Abril 2021: Maraming Salamat sa Iyong Suporta
Ngayong tapos na ang kampanya para sa pagiging miyembro ngayong Abril para sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), nais naming pasalamatan ang lahat ng nakilahok dito. Hindi kami makapaniwala at labis na natutuwa na ipaalam sa iyo na nakalikom kami ng 264,918.85USD mula sa 9,110 donante sa 84 na bansa, lagpas sa aming inaasahang halaga na US$50,000. Nadagdagan din ang aming mga miyembro ng 16,842. Pambihira ka: salamat!
Kampanya Ngayong Abril 2021: Pagbibigay-Pugay sa Iyo
Itinatag ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ng mga tagahanganga para sa mga tagahanga noong 2007, na may layuning pagsilbihan ang fandom sa pamamagitan ng pagpapanatili at paghihikayat sa mga tagahanga sa paglikha ng mga ibahing katha. Makalipas ang labing-apat na taon, nananatili kaming tapat sa aming pangako. Sa pamamagitan man ng ligal na adbokasiya laban sa mga hindi makatarungang batas na hindi pumapabor sa mga tagahanga saan mang panig ng mundo, pagliligtas ng mga nanganganib na hangang-katha, pagtatala ng kasaysayan ng mga tagahanga, pagbibigay ng espasyo para sa mga pang-iskolar na pag-aaral ng mga tagahanga, o pangangalaga ng iyong mga luma at bagong… Read more
Pananalapi ng OTW: Badyet sa Taong 2021
Nitong nakaraang taong, nagsikap ang komite ng Pananalapi ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na masigurong bayad ang lahat ng mga bayarin ng organisasyon, naisumite ang tamang buwis, at nasunod ang mga pamantayan ng pagtutuos ng salapi. Inihahanda na ngayon ang mga pinansyal na pahayag at pagsusuri para sa taong 2020! Nagtatrabaho rin ang komite nang mabuti upang matugunan ang pangangailangan ng OTW sa taong 2021, at ikinagagalak naming ilahad sa iyo ang badyet para sa taong ito (tingnan ang spreadsheet ng badyet sa taong 2021 para sa karagdagang detalye):
Maraming salamat sa iyong suporta
Tapos na ang kampanya sa pagiging kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ngayong Abril, at lubos kaming nagpapasalamat sa iyong pagiging bukas-palad. Sa pamamagitan ng iyong tulong, nakalikom kami ng kabuuang halaga na umabot sa US$458,501.00 na ipinagkaloob ng 14905 katao mula sa 96 bansa, mahigit pa sa inaasahan naming donasyon na US$130,000! Taos-puso ang aming pasasalamat, at higit kaming nananatiling tapat sa komunidad na ito na sama-sama nating itinataguyod bawat araw. Hindi sapat ang aming pasasalamat sa iyong pagtulong sa aming misyon, at sa pagtitiyak na patuloy pang lalago ang aming mga proyekto sa hinaharap.