Posts by Ori

Panauhing Paskil ni Versaphile

Paminsan minsan, ang OTW (Organisasyon ng Ibahing Katha), ay magkakaroon ng panauhing paskil sa Balitang OTW. Sila ay magbibigay ng panlabas na pananaw tungkol sa OTW o mga aspeto ng fandom kung saan ang aming mga proyekto ay maaaring may kinalaman. Ipinapahayag ng mga paskil ang personal na pananaw ng bawat maykatha at maaaring hindi naglalarawan ng pananaw o ng patakaran ng OTW. Malugod kaming tumatanggap ng mga suhestiyon mula sa mga tagahanga para sa mga susunod na panauhing paskil. Maaaring mag-iwan ng komento dito o makipag-ugnayan sa amin. Si Versaphile ay “tiyak na isang datihan, bilang nasa online na fandom na ako mula 1995:… Read more

Halalan ng OTW 2016: Handa ka na ba?

Malapit na ang panahon ng halalan! Ang OTW (Organisasyon ng Ibahing Katha), ang organisasyong di-pangkalakal na nasa likod ng Archive of Our Own – AO3 (Ang Ating Sariling Sisidlan), Fanlore, Transformative Works and Cultures – TWC at iba pang mga proyekto, ay magsasagawa ng halalan para sa Lupon ng Pangagasiwa nito sa ika-23 hanggang 26 ng Setyembre, 2016. Upang makaboto, kailangan mong maging kasapi ng OTW bago lumagpas ang ika-23 ng Agosto, 2016. Sa ibang salita, kailangang nakapagbigay ka ng donasyong may suma total na US$10 o higit pa mula noong ika-23 ng Setyembre, 2015 AT pinili mo ang “kasapian” na opsyon. Kung hindi ka… Read more

Pahayag ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW 2016

Paghahayag ng mga Kandidato Ang OTW (Pagsasaling-wika) ay nagagalak na ipahayag ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ng 2016 (naka-alpabetong pagkakaayos ng ibinigay na pangalan): James Beal Kristina Busse Priscilla Del Cima Dahil mayroon tayong dalawang posisyon na kailangang punuan at 3 kandidato, ang halalan ng 2016 ay pagtutunggalian—iyon ay, pagbobotohan ng mga miyembro ng OTW kung sino sa mga kandidato ang magpupuno ng mga posisyon.