Posts by Ori
Kampanya sa Pagiging Kaanib sa Oktubre 2022: Maraming Salamat sa Inyong Suporta
Natapos na ang aming Kampanya sa Pagiging Kaanib sa Oktubre, at labis kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihang-loob. Masaya naming ipinapahayag na dahil sa 7,683 taong nagkaloob ng donasyon mula sa 78 na bansa, nakalikom kami ng kabuuang US$276,467.69! Lalo kaming nagagalak na pinili ng 6,147 sa inyo na magsimula o muling maging kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) gamit ang inyong donasyon. Bagama’t natapos na ang kampanya, tumatanggap kami ng donasyon nang buong taon. Maaari kayong maging botante anumang oras—kailangan niyo lamang sumali bago mag-alas 23:59 sa ika-30 ng Hunyo upang magkaroon ng karapatang bumoto sa aming taunang halalan para sa Lupon ng… Read more
Pananalapi ng OTW: Pagbabago sa 2022 Badyet
Sa buong taon, ipinagpatuloy ng pangkat ng Pananalapi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ang gawain nitong siguraduhing binabayaran ng organsisayon ang mga bayarin nito, naisumite ang tamang buwis, at nasunod ang mga pamantayan ng pagtutuos ng salapi. Gumawa din ng pagbabago ang pangkat sa istruktura ng pamantayan ng pagtutuos ng salapi upang mas maipakita ang aktibidad sa pananalapi ng OTW. Nagpapatuloy ang paghahanda para sa pagsusuri ng mga pahayag sa pananalapi para sa 2021! Masigasig na nagtatrabaho ang pangkat sa pagbabago sa badyet sa taong 2022 at malugod nila itong ipinakikita rito (tingnan ang spreadsheet ng badyet sa taong 2022 para sa karagdagang… Read more
Ang Aming Mga Gagawin para sa International Fanworks Day 2018
Katulad nang aming nabanggit noong nakaraang buwan, muling maglulunsad ang OTW ng mga kaganapan para sa International Fanworks Day ngayong taon. Sa ika-15 ng Pebrero, ipagdiriwang natin ang International Fanworks Day sa lahat ng timezones. Nakalista sa ibaba ang mga gawaing handog ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), ngunit nais din naming ilagay ninyo sa mga komento ang iba pang mga kaganapan at gawaing nabalitaan ninyo para maipaalam namin ito sa iba.
Limang Bagay na Sinabi ni Naomi Novik
Paminsan-minsan, magsasagawa ng Q&A ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) sa isa sa mga boluntaryo nito tungkol sa kanilang karanasan sa OTW. Ipinapahayag ng paskil ang mga pansariling pananaw ng bawat boluntaryo at maaaring hindi sumasalamin sa pananaw ng OTW o nagsasaad ng patakaran nito. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating ika-10 anibersaryo, mayroon tayong espesyal na mapag-gunitang Limang Bagay ngayong buwan. Ang paskil ngayon ay kay Naomi Novik, isa sa mga tagapagtatag ng OTW, dating miyembro ng lupon, kasalukuyang kawani ng Komite ng Aksesibilidad, Disenyo at Teknolohiya. Ang sumusunod ay ang sipi ng panayam na na-edit na upang mas maging maikli at malinaw…. Read more
Ang International Fanworks Day 2017 ay paparating na
Ang International Fanworks Day ay gaganapin sa ika-15 ng Pebrero 2017. Pinaplano ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na ipagdiwang ito, ngunit nais din naming malaman kung ano ang inyong gagawin!