Posts by Natalia Gruber
Kampanya para sa Pagiging Kaanib sa Abril 2023: Maraming Salamat sa Iyong Suporta
Tapos na ang Kampanya para sa Pagiging Kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ngayong Abril, at natutuwa kaming sabihin na nakalikom kami ng kabuuang US$252,343.98, mas higit pa sa aming inaasahan na US$50,000.00. Ang donasyong ito’y mula sa 7,852 katao mula sa 71 na bansa: maraming salamat sa bawat isa sa inyo, pati na rin sa mga nagpaskil at nagbahagi ng balita tungkol sa kampanya! Lalo kaming natutuwa na 6,450 sa mga nagkaloob ng donasyon ang piniling maging o mag-renew ng kanilang pagiging miyembro ng OTW gamit ang kanilang donasyon. Hindi mabubuo ang OTW kung wala ang mga miyembro at tagagamit nito sa… Read more
2021 Mga Kinalabasan ng OTW Halalan
Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2021. Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa: E. Anna Szegedi Kari Dayton Dagdag pa rito, malungkot na inaanunsyo ng Lupon ng mga Tagapamahala na ang tagapamahalang si Kati Eggert, na siyang inhilalal noong nakaraang taon, ay bababa na sa kanyang posisyon, sa madaling panahon. Malugod naming tinatanaw ang serbisyong inihandog ni Kati at nagpapasalamat kami sa kanyang gawa at dedikasyon. Para… Read more
Maging Miyembro ng OTW at Bumoto sa Halalan 2021!
Nalalapit na ang panahon ng halalan! Ang pagiging miyembro ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ay nangangahulugan na maaari kang bumoto para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa. Mayroon itong epekto sa pamamalakad ng mga proyekto tulad ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), Fanlore, at Transformative Works and Cultures – TWC (Nagbabagong Katha at Kultura) ngayon at sa hinaharap. Gaganapin ang halalan para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa para sa taong ito sa ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto . (Mangyaring pumunta sa Talahanayan ng Halalan Para sa Taong 2021).
2021 Anunsyo Ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW
Anunsyo Ukol sa mga Kandidato Ikinalulugod ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na i-anunsyo ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ngayong taong 2021 (na pinagsunud-sunod ayon sa unang titik ng kanilang unang pangalan): Antonius Melisse E. Anna Szegedi Kari Dayton Laure Dauban Dahil mayroong 2 posisyong kailangang punan at 4 na kandidato, magkakaroon ng tunggalian — sa madaling salita, boboto ang mga miyembro ng OTW upang piliin kung sino sa mga kandidato ang ihahalal ngayong taong 2021.
Pagtuklas ng Komunidad sa Gitna ng Pagbubukod
Isang samahang di-pangkalakalan ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na pinapatakbo ng mga boluntaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Napupunta ang lahat ng aming nalilikom sa pagsuporta ng aming mga proyekto. Ngunit hindi namin ito magagawa nang mag-isa. Kung kaya’t ngayon, tulad ng aming ginagawa tuwing Abril, muli naming ilulunsad ang aming membership drive na ginaganap dalawang beses sa isang taon, at hinihingi namin ang aming mga tagagamit na magbigay ng donasyon upang suportahan ang aming mga gawain.