Posts by mango mochi
Kampanya Para sa Pagiging Kaanib Ngayong Oktubre 2025: Ang Mga Sistemang Iyong Itinataguyod
Ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay patuloy na lumalaki at nagtatamo ng mga bagong tagumpay. Ngayong taon lamang, ipinagdiwang namin ang pagkakaroon ng siyam na milyong tagagamit, isang milyong Mandarin Chinese na hangang-katha, at 15 milyong hangang-katha—nagtataka ka ba kung paano kami nakakasabay sa lahat ng nagaganap? Ang isa sa mga pinatutunguhan ng iyong mga mabuting donasyon ay ang aming Komite ng Sistema, na masipag na nagtatrabaho sa pag-upgrade ng mga server na nagpapanatili ng mga database at sistema ng paghahanap, para makasabay sa tumataas na bilang ng mga tagagamit at aktibidad. Ang Sistema ang siyang nagpapanatili ng imprastraktura na… Read more
Abril 2025 Kampanya Para Sa Pagiging Kaanib: Maraming Salamat sa Inyong Pagtangkilik
Tapos na ang pang-Abril na Kampanya Para Sa Pagiging Kaanib ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) at ikinagagalak naming sabihin na natapos ito nang may kabuuang halaga na US$269,766.01. Higit nitong nalampasan ang aming inaasahang kabuuan na US$75,000.00. Ang mga donasyon na ito ay mula sa 8,216 katao na galing sa 82 na bansa: maraming salamat sa bawat isa sa inyo, pati na rin sa mga nagpaskil at nagbahagi ng balita tungkol sa kampanya! Ikinatutuwa rin namin na 7,064 na mga nagkaloob ng donasyon ang pumili na kumuha o magpanumbalik ng kanilang pagkakaanib. Hindi mapapanatili ang OTW kung wala ang mga miyembro nito mula… Read more
Kampanya Para sa Pagiging Kaanib Ngayong Abril 2025: Para sa mga Tagahanga, Gawa ng mga Tagahanga
Simula nang itatag ito noong 2007, ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ay pinapatakbo ng mga tagahanga, para sa mga tagahanga. Labis naming ikinagagalak ang patuloy na paglaking interes at suporta ng mga tagahanga ng iba’t ibang henerasyon sa buong mundo sa aming mga proyekto, at lubos din kaming nagpapasalamat sa pinansyal na suporta mula sa mga miyembro at tagapagbigay ng donasyon ng OTW, na siyang tumulong sa pagbuo ng reserbang pondo habang patuloy naming tinutustusan ang pang-araw-araw na gastusin ng aming mga proyekto. Ang mga pondo na ito at ang inyong bukas-palad na suporta at kabutihan ay mahalaga kapag nakakaranas ng mga isyu… Read more
Mga Kinalabasan ng 2024 OTW Halalan
Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya, ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2024. Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa: Erica Frank Rachel Linton Pormal na magsisimula ang paglilipat ng tungkulin sa mga bagong miyembro ng Lupon sa ika-1 ng Oktubre. Hangad namin ang kanilang matagumpay na panunungkulan. Dito nagtatapos ang panahon ng halalan. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa pamamagitan ng pagpapakalat ng balita, pagtatanong sa mga kandidato at, siyempre, sa pagboto!… Read more
Anunsyo Ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW 2024
Anunsyo Ukol sa mga Kandidato Ikinalulugod ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na i-anunsyo ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan 2024 (na pinagsunud-sunod ayon sa unang titik ng kanilang unang pangalan): C. Ryan S. Erica F. Rachel L. Tish S. Dahil mayroong 2 posisyong kailangang punan at 4 na kandidato, ang halalan ngayong 2024 ay magkakaroon ng tunggalian — sa madaling salita, boboto ang mga miyembro ng OTW upang piliin kung sino sa mga kandidato ang ihahalal.