Posts by Laure
Pagdagdag ng Katha sa mga Koleksyon ng Open Doors
Isa sa mga pangunahing gawain ng proyektong Open Doors, na siyang bahagi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha), ay mag-angkat ng mga nanganganib na artsibo ng mga hangang-katha patungo sa mga koleksyon ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Bilang bahagi ng gawaing iyon, sinusuyod ng Open Doors ang mga kathang nakapaskil na sa AO3 upang maiwasang madoble ang inangkat na katha. Hanggang ngayon, inaanyayahan ng account ng nag-angkat ang nahanap na katha upang maidagdag sa koleksyon ng artsibo at lalagyan na lamang ng palatandaan kung hindi tinanggap ang paanyaya. Kasunod ng mga pagbabago sa proseso ng pag-iimbita sa mga katha… Read more
AI at Data Scraping sa AO3
Sa paglaganap ng mga tool ng AI nitong mga nakaraang buwan, maraming tagahanga ang nagpahayag ng kanilang alalahanin tungkol sa data scraping at mga hangang-kathang ginawa gamit ang AI, at kung paano ito makakaapekto sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Naiintindihan namin ang inyong alalahanin. Nais naming ibahagi ang aming mga hakbang upang labanan ang data scraping at anu-ano ang aming mga kasalukuyang patakaran tungkol sa AI. Data scraping at mga Hangang-Katha ng AO3 Naglagay kami ng ilang mga teknikal na hakbang upang hadlangan ang malakihang data scraping sa AO3, gaya ng rate limiting, at patuloy naming sinusubaybayan ang aming trapiko… Read more