Posts by Elintiriel

Lumalabas na ang AO3 sa Open Beta!

Nasasabik kaming ipahayag na lumalabas na kami sa open beta! Napakalayo na namin mula nang inihayag at inilunsad ang pagbubukas ng beta ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) noong 2009. Sa paglunsad nito, mayroon lamang 347 na mga AO3 account at 6,598 na mga hangang-katha. Bagaman kami’y mabilis na lumago, noong una ay mas limitado kami sa aming maaaring gawin. Alam mo ba na ang mga imbitasyon sa AO3 ay dating ipinadala nang manu-mano ng mga indibidwal na boluntaryo ng AO3? Noong aming unang mabilis na paglago, kami’y nagbabahagi lamang ng humigit-kumulang 1,200 na imbitasyon bawat araw, at sa kalaunan ay… Read more

Halina sa Pista ng mga Katugunan sa 2026

Halina sa International Fanworks Day – IFD (Pandaigdigang Araw ng mga Hangang-Katha) Pista ng mga Katugunan sa 2026! Ang Pista ng mga Katugunan ay kung kailan natin ipinagdiriwang ang mga hangang-katha na ginawa ng mga manlilikha sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) o saan mang dako sa pamamagitan ng pagrerekomenda ng mga ito sa ibang tao at pag-iiwan ng mga komento para sa manlilikha. Ang ating tema para sa IFD 2026 ay Alternate Universes (AUs), na kung saan natin ipagdiriwang ang lahat ng mga nakatutuwa at nakagagalak na mga AUs na ginawa ng mga tagahanga! Nais mo bang makisali sa Pista… Read more

Ang mga Ginagawa Namin para sa #IFD2026

Parating na ang Pebrero 15, at oras na para maghanda para sa ika-12 na taunang pagdiriwang ng International Fanworks Day – IFD (Pandaigdigang Araw ng mga Hangang-Katha)! Ang tema ngayong taon ay Alternate Universes (AUs), at sa pagdiriwang ng #IFD2026, naghanda ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ng mga gawain para sa lahat. Tingnan ang listahan sa ibaba upang malaman kung paano kayo maaaring makisali! Pista ng mga Katugunan: Hindi ito magiging IFD kung wala ang aming taunang Pista ng mga Katugunan! Ito ang iyong pagkakataon upang ibahagi ang iyong mga paboritong Alternate Universe na hangang-katha at makatanggap rin ng mga kapalit na rekomendasyon…. Read more