Posts by cinnamonandtea
Estadistika ng Halalan 2022 ng OTW
Ngayong tapos na ang Halalan 2022, ikinalulugod naming ibahagi sa inyo ang mga estadistika ukol sa pakikilahok ng mga botante! Nagtala ang Halalan 2022 ng kabuuang 11,643 na mga rehistradong botante. Sa mga botanteng ito, 4,574 ang nagpasa ng balidong balota, na kumakatawan sa 39.3% ng mga potensyal na botante. Ipinagmamalaki naming ipahayag na mas mataas ang pakikilahok ng mga botante ngayon kumpara sa nakaraang taon, na may pakikilahok na 20.5%. May nakitang pagtaas ng bilang ng mga ipinasang balota, mula 2,305 hanggang sa 4,574, na aabot sa 98.4% na paglaki.
Bukas na ang Halalan para sa 2022 Lupon ng OTW!
Sinimulan na ang halalan! Dapat may balota na ang bawat kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumali mula ika-1 ng Hulyo 2021 hanggang ika-30 ng Hunyo 2022. Kung hindi mo pa ito natanggap, mangyaring tingnan muna ang iyong spam folder, bago makipag-ugnayan sa amin gamit ang form para sa pakikipag-ugnayan. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon pagkatapos ng alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo 2022 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung hindi ka sigurado kung nagawa ang iyong donasyon bago ang takdang oras, mangyaring makipag-ugnayan… Read more
2022 OTW Timeline ng Halalan at Nakatakdang Huling Araw ng Pagiging Miyembro
Malugod na ipinahahayag ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) Komite ng Halalan na nailathala na ang timeline para sa 2022 halalan para sa mga bagong miyembro ng Lupon ng mga Tagapangasiwa! Gaganapin ang halalan para sa taong ito sa ika-12 hanggang ika-15 ng Agosto . Nangangahulugan ito na sa ika-17 ng Hunyo ang huling araw para magpahayag ang mga boluntaryo ng kanilang kandidatura. Katulad ng dati, ika-30 ng Hunyo ang huling araw ng pagiging kasapi ng halalan. Kung interesado kang bumoto, mangyaring siguraduhin na aktibo ang pagka-miyembro mo hanggang sa petsang nabanggit. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa… Read more