Posts by Akima Ras
OTW Timeline at Takdang Oras ng Pagiging Miyembro para sa Halalan 2021
Malugod na ipinahahayag ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) Komite ng Halalan na nailathala na ang timeline para sa halalan 2021 para sa mga bagong miyembro ng Lupon ng Pangangasiwa! Gaganapin ang halalan para sa taong ito mula ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto. Nangangahulugan ito na sa ika-18 ng Hunyo ang huling araw para magpahayag ang mga kawani ng kanilang kandidatura. Katulad ng dati, ika-30 ng Hunyo ang huling araw ng pagiging miyembro sa halalan. Kung interesado kang bumoto, mangyaring siguraduhin na aktibo ang pagka-miyembro mo hanggang sa petsang nabanggit. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern… Read more