Ang Gagawin Natin para sa International Fanworks Day 2023

Paparating na ang ika-siyam na taon ng International Fanworks Day, at may mga aktibidad ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na magaganap sa lalong madaling panahon para sa pagkilala nito! Basahin ang mga nakalista para malaman ang aming mga gagawin bilang pagdiriwang at kung papaano ka makakasali.

1. Hamon sa Paglikha ng Fanworks

Noong nakaraang buwan, inanyayahan ka namin na sumali sa hamon na may temang When Fandoms Collide para gumawa ng mga fanworks na crossovers at pagsasanib ng mga fandom. Maaari kang gumawa ng katha, sining, vids, headcanons, at iba pa!

Lagyan ang iyong mga likha ng tag na #IFD2023 o #IFDChallenge2023 sa social media, o gamitin ang tag na International Fanworks Day 2023 sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Aabangan namin ang iyong mga likha!

2. Feedback Fest

Mayroon ka bang napupusuan na crossover o pagsasanib ng fandom na ginawa ng iyong paboritong manlilikha sa AO3? Ibahagi ito sa social media gamit ang tag na #IFD2023 or #IFDChallenge2023! Sa ika-12 ng Pebrero, maglalabas kami ng paskil kung saan maaari kang magbigay ng mga rekomendasyon sa iyong mga kapwa tagahanga.

3. Hamon sa Fanlore

Hindi lang sa AO3 magaganap ang kasiyahan: magdiriwang din ang Fanlore, ang wiki ng OTW para sa fannish na kasaysayan at kultura! Magaganap ang hamon mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Pebrero, kung saan magkakaroon ng mga bagong hamon sa pag-edit na kailangang tapusin kada-araw. Para makasali, sumangguni sa IFD 2023 Fanlore Challenge para sa karagdagang impormasyon.

4. Mga Laro at Fan Chat (sa wikang Ingles)

Mula alas 21:00 UTC ng ika-14 ng Pebrero (anong oras ito para sa akin?) hanggang alas 3:00 UTC ng ika-16 ng Pebrero (anong oras ito para sa akin?), lilikha ang mga boluntaryo ng OTW na gumagamit ng wikang Ingles ng chatroom na may mga laro para sa mga tagahanga sa opisyal na Discord server ng OTW. Maglalaro tayo ng Trivia, 20 Questions, Lyrics Round Robin, at iba pa!

Magpapaskil kami ng kawing sa server at buong iskedyul ng mga aktibidad sa ika-14 ng Pebrero.


Ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ay isang di pang-kalakal na organisasyon na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Batasang Pagtataguyod. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa OTW, maaaring tumungo sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.

Event

Comments are closed.