Aming Mga Proyekto

Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan)
Nag-aalok ang AO3 ng isang hindi pangkomersyal at hindi pangkalakal na punong lugar para sa pangangalaga ng mga hangang-katha at iba pang mga nagbabagong katha gamit ang open-source archiving software.

Fanlore
Nakatuon ang Fanlore, isang fandom wiki, sa pangangalaga ng kasaysayan ng mga nagbabagong katha at ang mga fandom na pinagmulan nito.

Legal Advocacy (Ligal na Pagtataguyod)
Nakatalaga ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) sa proteksyon at pagtatanggol ng mga hangang-katha mula sa pang-komersyal na pagsasamantala at ligal na hamon.

Open Doors
Nag-aalok ang Open Doors ng kalinga para sa mga nanganganib na mga proyektong fannish. Kabilang sa mga proyektong ito ang Fan Culture Preservation Project (Proyekto para sa Pangangalaga ng mga Kultura ng Tagahanga), kung saan pinangangalagaan ang mga fanzine at iba pang uri ng hindi digital na kulturang pang-tagahanga, at ang GeoCities Rescue Project.

Aming Mga Proyekto sa Pag-aaral ng Tagahanga


Fanhackers
Naglalathala ang OTW ng isang blog para sa talakayan tungkol sa mga paksang fannish meta at mga perspektibong pang-tagahanga ukol sa pag-aaral ng mga tagahanga at ng media.

Fan Video at Multimedia
Kasalukuyang nabibilang sa aming mga proyektong multimedia ang Fan Video Roadmap, ang proyektong Vidding History kasama ang Test Suite of Fair Use Vids, at ilang mga pahina para sa mga gumagawa ng fan video, kasama na ang mga mungkahi sa kung saan maaaring mapangalagaan ang mga video, at mga panuto sa pag-embed ng fan video sa AO3.

Fan Fiction Studies Reader (Munting Aklat sa Pag-aaral ng Hangang-Katha)
Ipinapakita ng koleksyong ito ang makasaysayang pinagmulan ng pag-aaral ng tagahanga, at kahit na lumalawak at nag-iiba ang direksyon ng pag-aaral ng tagahanga, nananatiling mahalaga na malaman kung saan tayo nanggaling upang maunawaan kung saan tayo patungo.

Transformative Works and Cultures – TWC (Nagbabagong Katha at Kultura)
Isang akademikong peer-reviewed na pahayagan ang TWC na naglalayong magtaguyod ng karunungan para sa mga hangang-katha at ang mga kasanayan nito.

Zotero Fan Studies Bibliography
Isang detalyadong bibliyograpiya sa pag-aaral ng tagahanga na pinapanatali nina Nele at Karen ng TWC.